Yaz feel be like
Nagulat ang lahat sa sagot n'ya,
Pati ako ay nagugulat sa kanya,
At talagang nakangiti pa s'ya.Kakaiba talaga pag-iisip nito,
Sagutan n'ya pa ay nakakainsulto,
Mahal na mahal ko ang Del Valle na 'to.Sina Marideth ay humingi ng paumanhin,
Ito at si Carolina ang nag-aasikaso sa amin,
Bigla ay nawalan ako ng ganang kumain.Mga nakaraan ay nagawa kong isipin,
Nahihilo ako dahil sa alalahanin,
Si Maxwell ay nag-aalala sa akin.Humingi ako ng sorry sa kanya,
Baka galit na naman s'ya,
Nakahinga ko ng maluwag sa sagot n'ya.Mahal ko s'ya bulong ko sa kanya,
Mahal din n'ya ko, tugon n'ya,
Hindi makahalik, para s'yang nadidismaya.Nagsimula na ang kanilang kuwentuhan,
Nagtanong si Maxwell na 'di ko inaasahan,
Kumusta raw ako nung college gusto n'yang malaman.Sumagot sina Carolina at Marideth sa kanya,
Tahimik daw ako sabi ng mga ito, ako ay inaasar n'ya,
Sa mga sinabi ko ay nakikinig naman s'ya.Maarte, malandi, easy to get ang tingin nila sa akin,
Si Marideth di ko inaasahan ang kanyang sasabihin,
Na hindi malandi ang isang ligawin at gustuhin.Hanggang si Nemari ay sumabat sa amin,
Sabi n'ya ako ay maarte pa rin,
Sa kanya si Maxwell ay sumang-ayon din.Easy to get pa rin daw ba ko,
Tanong ng Nemari na 'to,
Si Maxwell ay ipinagtanggol ako.Hinaplos ang puso ko sa mga sinabi n'ya,
Mga kapuna puna kong ugali ay tanggap n'ya,
Lahat ng naroon ay nakikinig sa kanya.Si Celeste naman ang nagkuwento,
Si Rem daw ay hinabol habol ko,
Kahit na sa akin ay maraming nagkakagusto.Si Rem ang umawat na rito,
Humingi ng sorry utos pa nito,
Nagsorry nga pero 'di sinsero.Sabi ni Maxwell sa kanya, ako ay ganon din,
Ang babaeng may goal daw ang kanyang gugustuhin,
Hot at to keep daw iyon sa kanyang paningin.Naantig ako sa mga sinasabi n'ya,
Naluluha na ako sa saya,
Mahal at mahalaga ko para sa kanya.Sa panonood sila Marideth ay nag-aya,
Tabi kami ni Maxwell at ako ay hinapit n'ya,
Tulad ko ay naboboring din s'ya.Si Rembrandt lang nakaintindi sa pinanood namin,
Nang papalapit na s'ya sa amin,
Ako ay kinakabahan na rin.Linya sa pelikula ay binanggit n'ya,
Balak pa ay luluhod pa s'ya,
Humingi ako ng tawad sa kanya.Huwag ko na raw s'yang pagselosin,
Ang isip n'ya ay iba rin,
Lahat ng nandoon nasa amin ang paningin.Si Maxwell na boyfriend ko sabi ko sa kanya,
Ipinipilit n'ya ay boyfriend ko rin daw s'ya,
Hindi kami naghiwalay ang sabi pa n'ya.Umalis lang daw ako,
Hinanap n'ya raw ako,
Sa Laguna ng dalawang linggo.Nagkasagutan na kaming dalawa,
Hinila ko si Maxwell at ako'y nagmamakaawa,
Pero huminto pa ang kigwa.Si Rem nagpupumilit na kausapin ako,
Si Maxwell sa likuran n'ya ay itinago na ko,
Kay Maxwell naghahamon na pagtatanong nito.Sa nangyayari ay kinakabahan na ko,
Sa likuran ni Maxwell ay umiiyak na nga ako,
Nagsasagutan pa rin ang mga ito.Iba magalit ang mga Del Valle natatakot ako,
Bigla na lamang sumasabog ang mga ito,
Si Maxwell doon pilit na inilalayo.Ilang beses na ang pagbabanta nito,
Si Rem ay hindi pa rin nahinto,
Nagulat ako nasapak na n'ya pala ito.Mabilis akong lumapit sa kanya,
Sinuri ko pa ang kamao n'ya,
Mas inaalala ko pa talaga s'ya.Kung 'di raw s'ya rerespetuhin ay katakutan s'ya,
Kay Rembrandt iyon ang sinabi n'ya,
Nang makalayo kami sama ng tingin nito sa kanya.Nang makasakay na kami sa kotse pareho,
S'ya ay mabilis na kinamusta ko,
Sa kanya ay nagsorry ako.Nang makauwi kami panay buntong hininga n'ya,
Mommy ko ay mabilis na kinamusta s'ya,
Nang makaupo s'ya, tinanong agad s'ya ni Naih.Nandoon ang ex ko ang kwento n'ya,
Tanong ni Maxpein kung nagselos ba s'ya,
Tumayo s'ya, panay ang pang-aasar ng mga ito sa kanya.Weak daw s'ya, ampon daw s'ya,
Pinagtatawanan s'ya ng sarili n'yang pamilya,
Inawat ko na sila, ano gusto n'ya tanong ko sa kanya.Marry me, biglang sabi n'ya,
Natigilan pati aming pamilya,
Natulala naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...