Yaz feel be like
Nang pumasok ako,
Maraming pasyente ang nadatnan ko,
Ang mga bata ay panay ang pagsusuka,
Napakarami nila na aking pinagtaka.Si Maxwell ay kalmado lang,
Mga empleyado rito ay talagang kulang,
Kaya sa emergency room a y tumutulong ako,
Pagod na s'ya kaya s'ya'y tinulungan ko.Pati mga matatanda ay nagkasakit na rin,
Mga ito ay ginamot din namin,
Si Maxwell halatang pagod na,
Hindi pinapahalata ang panghihina.Kaya naman s'ya'y aking ipinagluto,
Dinamihan ko na ang pagkain para rito,
Kasama n'ya si Keziah kumain ng aking dala,
Hindi na ko nakisalo pa sa kanila.Nagpunta na lang ako sa canteen,
At doon na lang ako kumain,
Nakita ko si Maxrill kasama ang aso n'ya,
Sa pagkain ngayon ay kasabay ko s'ya.Habang kumakain kami'y nag-uusap,
Iba na talaga mag-isip itong aking kaharap,
Sagutin ko lang daw s'ya, araw-araw n'ya kong liligawan,
Sa bawat araw na daraan.'Wag s'yang magbiro ng ganoon sa iba, sabi ko sa kanya,
Dahil baka seryosohin ang sinasabi n'ya,
Sagot n'ya deserve n'ya ang higit pa sa kaibigan,
Tinapik ko s'ya sa balikat na nakangiti saka roon iniwan.Nawala ang ngiti sa mga labi ko,
Kung tutuusin ay noona n'ya na ako,
Hindi na hihigit pa ang aking nararamdaman,
Ayoko s'yang paasahin at saktan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...