Yaz feel be like
Tinanggap ko ang kuwintas na ibinibigay n'ya,
Sagot ko simula noon hanggang ngayon ay pinipili ko na s'ya,
Handa raw s'yang ipaglaban ang kanyang nararamdaman,
Wala raw s'yang pakialam kung sino kanyang makakalaban.Ang pagbabalik ng aking sigla ay napansin ni Naih,
Kuwintas na ibinigay ni Maxwell ay ibinida ko sa kanya,
Mag-ingat daw kami ni Maxwell sabi n'ya sa akin,
Dahil ang mga ito ay may batas na dapat sundin.Hanggang si Maxrill ay nagawa n'yang banggitin,
Ang nangyari raw ba nagawa ko nang sabihin,
Masyado n'ya kong hinuhusgahan sita ko sa kanya,
Matakot daw ako kay Maxpein sabi pa n'ya.Pareho kaming natigilan ni Naih,
Si Mokz pumasok may narinig kaya s'ya,
Bigla tuloy akong kinabahan,
Ang niluluto ko ay muntik ng malimutan.Matapos magluto at maghain,
Pinuntahan ko si Maxwell para gisingin,
Nang bumangon ito ay nakasimangot,
Sanay na ko at hindi natakot.Nag-i love you pa s'ya sa 'kin,
Sabi ko ready na ang almusal namin,
Pumasok s'ya ng banyo at iihi muna raw s'ya,
Natatawa ko naman pinanood ang ginagawa n'ya.Hanggang sa may mga naalala ako,
Pagiging malinis nito ay alam ko,
Hanggang sa ako ay napansin na n'ya,
Kaya lumapit na ko sa kanya.Naglalambing akong yumakap sa kanya,
Naiinis ako bakit ba ang bango bango n'ya,
Naiisip ko ganito na kami, kapag ako ay kanyang pinakasalan,
Napansin ko na mabilis naman s'yang natigilan.Nang buhatin at iniupo n'ya ay ikinagulat ko,
Hindi mawala ang ngiti n'ya habang nagsesepilyo,
Halos maluha luha s'ya sa sobrang tuwa n'ya,
Hindi s'ya makapaniwala na pakakasalan ko s'ya.Binanggit n'ya kung ano magiging aming sitwasyon,
Kapag humantong sa kasal ang aming relasyon,
Akala ko noon ay minamahal lang tao kapag buong buo,
Akala hindi na ko magmamahal ulit, hanggang s'ya'y makilala ko.Seryoso na ang pag-uusap namin,
Nang mangibabaw ang boses ni Maxpein,
Si Maxwell ay pinagsabihan n'ya,
Akala kasi nito ay nagproprose na s'ya.Handa raw ipahiram dito ang isla n'ya,
Del Valle pa naman daw s'ya,
Natatawa ko sa kanilang sagutan,
Halata ang hiya na kanyang nararamdaman.Lumabas na si Maxpein kakain sabi nito,
Sabi ko kay Maxwell ako ang nagluto,
May kung anong kislap ang mata n'ya,
Nang makababa kami ay inaasikaso ko s'ya.Tinanong kung ako ba raw ang nagluto,
Gusto ko s'yang maimpress sagot ko,
Hindi ko inaasahan na ako ay hahalikan n'ya,
Nahihiya ko tuloy tiningnan buo naming pamilya.Naging magana si Maxwell kumain,
S'ya ang huling natapos sa amin,
Inihanda ko ang iinumin nilang tsaa,
Nasanay na ko dahil tumira sa kanila.Pupunta ko sa reunion namin paalam ko sa kanya,
Mabilis naman s'yang pumayag at ako raw ay ihahatid n'ya,
Sabi ko ay sumama na lang s'ya sa akin,
Pati kapatid ko ay nakisali sa usapan namin.Magshopping kami sabi ko sa kanya,
Noong una ay ayaw n'ya,
Normal na date ang gusto ko,
Sumabat si Maxpein, kesa naman daw sa banyo.Natatawa ako halata na ang inis n'ya,
Kanina pa ang pangaral nito sa kanya,
Matapos mag ayos , kami ay umalis na rin,
Masaya ko, normal na date magagawa na namin.Hindi pa rin ako sanay na taga North Korea sila,
Kumakain kami ng dessert si Celeste ay abala,
Nagbago raw ang oras ng reunion namin,
Sa bahay nito kami ay pumunta na rin.Halata ang pagiging maldita nito,
Hindi ako nakailag nang yakapin n'ya ko,
Nang si Maxwell ay lumapit sa amin,
Sa kanila ito ay ipinakilala ko na rin.Mga kabatch ko ay natulala sa kanya,
Kasi naman ang guwapo n'ya,
Sabi ng mga ito nurse na pala ko,
Sagot ko sa ospital ni Maxwell ako nagtratrabaho.Hindi maalis ang paghanga sa mga mata nito,
Ang isama si Maxwell dito ay pinagsisisihan ko,
Sabi ni Celeste, si Maxwell ay pakasalan ko na,
Baka raw maagaw pa sa akin dagdag pa n'ya.Sagot ni Maxwell ay hindi s'ya ganon,
Mas natulala sa kanya ang mga naroon,
Muli s'yang tinanong sasagot na sana s'ya,
Nang marinig ko ang pamilyar na boses n'ya.Natigilan ako bigla sa kinauupuan ko,
Tinanong ni Maxwell kung ayos lang ako,
Nginitian ko s'ya, at hinila ko na s'ya,
Halata ang gulat sa mga mata n'ya.Mga nandon ay pinipigilan ako,
Kay Celeste ay naiinis na ko,
Nakita ko s'ya, halata ang gulat sa kanya,
Nabasa ko ang tuwa sa mga mata n'ya.Hinapit bigla ni Maxwell ang beywang ko,
Kaya sa kanya ay nakatingin ako,
Silang dalawa ay nagkatitigan,
Si Maxwell daw ba ay bago kong kaibigan.Mukha raw bang kaibigan ko lang s'ya,
Nagpakilala si Maxwell sa kanya,
At sinabing s'ya ay boyfriend ko,
Boyfriend ko rin daw s'ya, naiinis na naiiyak ako.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...