Yaz feel be like
Bakit kasi hindi pa n'ya linawin,
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Para sana malaman ko,
Kung dapat na ba ko huminto.Sana sabihin na n'ya,
Kung may pag-asa pa sa kanya,
Bakit sinasabi n'ya ay paligoy-ligoy?
Kaya heto ako nalilito na tuloy.'Di ko alam kung nagseselos s'ya,
Bakit sa akin ang higpit n'ya?
Sa ugali n'ya, ako'y naguguluhan,
Minsan hindi ko na maintindihan.Hanggang kelan tatagal aking pasensya?
Sa sitwasyon namin, totoo ba na ako'y masaya,
Sa isip ko 'di hihinto ang mga katanungan,
Hangga't hindi nito nakukuha ang sagot na kinakailangan.Hanggang kelan tatagal,
Ang aking pagmamahal,
Baka sukuan ko na rin s'ya,
Kapag nainip na ko sa sagot n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...