Yaz feel be like
Ako ay nakokonsensya,
Hindi makatingin sa mga mata n'ya,
Hindi matanggap sa sarili na masasaktan ko s'ya.Naiilang at umiiwas ako sa kanya,
Naririndi ako sa kaingayan ni Naih,
Almusal ay pinagluto ko s'ya.Sabi n'ya suwerte raw s'ya sa akin,
Sa kanyang mga mata ay 'di ako makatingin,
Sinabayan ko s'yang kumain.Naiiyak ako lalo sa kanyang mga plano,
Sa kanya ba raw ay nabibilisan ako,
Namalayan na lang sa kanya ay nag sosorry na ko.Pilit n'yang tinatanong kung may problema ba,
Mabilis akong umiling pero abot abot ang kaba,
Malaman n'ya ang nangyari ako'y nangangamba.Tahimik ako sa buong biyahe namin,
Naluluha kapag kasalanan ay sumasagi sa akin,
Si Naih ay nagawa na kong prangkahin.Aking ikinikilos ay nahahalata n'ya,
Ang nangyari ay sinabi ko sa kanya,
Sa akin ay napamura s'ya.Pinilit ko sarili na kumalma,
Buong pamilya n'ya aming kasama,
Isip ko ay ayaw namang makisama.Sinalubong kami ng magulang namin,
Nakangiti itong nakatingin sa amin,
Sa loob ng van sa kamay namin ay nakatingin.Napapangiti ako sa kanya,
Halata na kabado s'ya,
Tila sa magulang ko ay nahihiya.Hindi ako sanay na ganito s'ya,
Relax lang s'ya bulong ko sa kanya,
In relationship kami ang sabi n'ya.Bakas sa mga magulang ko ang saya,
Sa ikinikilos ni Maxwell gusto kong matawa sa kanya,
Pero iginagalang ko ang kultura ng kanyang pamilya.Kulang ang mga bakante naming kuwarto,
Bigla gusto kong mahiya sa mga ito,
Bandang huli si Maxwell ay sa kuwarto ko.Ayos ng aking kuwarto ay nagustuhan n'ya,
Sa aking likuran ay mabilis na yumakap s'ya,
Panay ang pick up line n'ya, natatawa ko sa kanya.Maayos na sana nang balak na n'yang akong halikan,
Sa gagawin n'ya ay agad akong natigilan,
Mabilis akong napatingin sa pintuan.Baka makita kami ng magulang ko sabi ko sa kanya,
Wala naman kaming ginagawang masama sagot n'ya,
Tinalikuran n'ya ko, bigla tuloy ako nakonsensya.Humarap s'ya sa akin saan daw malapit na hotel dito,
Mabilis naman akong yumakap rito,
Nakita n'ya raw kami ni Maxrill na sa akin ay nagpahinto.Sana wala iyon upang ako ay magkaganito,
Napatulala ako sa saradong pinto ng banyo,
Ako ay napaupo sa kama at nakatulog na ko.Gabi na ng magising ako,
Pagbaba ko ay nag-iinuman ang mga 'to,
S'ya ay nilapitan ko.Sabi ko ay baka malasing s'ya,
Kay Maxrill sarili ay ikinukumpara n'ya,
Naiinis na ko sa kanya.Nauna ng umakyat mga kasama namin,
Si Mokz ay seryoso kung s'ya ay kausapin,
Kanilang usapan tila aking nauunawaan na rin.Nauna s'ya sa akin pumasok sa kuwarto,
Nauna rin s'ya sa akin pumasok ng banyo,
Hanggang makalabas s'ya 'di ako pinansin nito.Naligo ako na nakokonsensya,
Pinatay ko ang ilaw at tumabi na sa kanya,
Halata na ako ay iniiwasan n'ya.Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya,
Sabi ko ay galit s'ya,
Hindi raw ang sagot naman n'ya.Mag-aalala na sana ako,
Natawa ko sa huling sinagot nito,
Umiral kasi ang kanyang pagka conyo.Natawa na kaming pareho,
At s'ya ay hinalikan ko,
Ramdam ko ang pag-iinit nito.Akala ko, ang maghahari ngayon ay ako,
Subalit nagkakamali pa ko,
Pinag-isa ulit namin ang korona at trono.Sa sarap halos mapaungol na ko,
Nang halikan n'ya muli ako,
Hanggang napagod kami sa aming pagsasalo.Daddy n'ya raw ay kinausap s'ya,
Kung ako ba raw ay pakakasalan n'ya,
Nakikinig ako at nagtanong sa kanya.Oo raw ako ay kanyang pakakasalan,
Tinanong ko kung kailan,
Sa naging sagot n'ya, ako ay natigilan.Kung ako raw ay sigurado na sa kanya,
Ako raw ay pakakasalan na n'ya,
Pangamba ang pumalit sa naramdaman kong saya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...