Yaz feel be like
Puso ko noon ay sugatan,
Pumunta ko ng Laguna para s'ya ay malimutan,
Nagpapanggap, tumatawa at nasasaktan.Sarili ko pilit kong binago,
Hindi naman ako nabigo,
Nararamdaman pilit itinago.Ngumingiti sa mga kaharap,
Tahimik na nagpapanggap,
Umaasa na may totoong tatanggap.Nagkukunwaring napakatapang,
Puso ko noon ay may panghihinayang,
Pagmamahal ko ay kanyang sinayang.Pinili muna magpakalayo,
Kahit puso parang binabayo,
Nangungulila sa kanyang pagsuyo.Hanggang sa makilala ko s'ya,
Ako ay kabaliktaran n'ya,
Halos lahat ng bagay ay perpekto sa kanya.Ako ay kanyang sinusupladuhan,
Ugali n'ya minsan ay 'di ko maintindihan,
Humahanga ako sa kanyang kakayahan.Isa s'yang mabait at maunawaing kuya,
Kahit na minsan ay sobrang sungit n'ya,
Naramdaman ko na lang na mahal ko na s'ya.Ang dating tahimik na ako ay naging maingay,
Ang dating malungkot kong araw ay naging makulay,
Dahil sa kanya ay naging malinaw ang gusto ko sa buhay.Mas minahal ko ang mga natutunan ko,
Naging mas masaya ako,
Sa pagsubok hindi na ko basta susuko.Sa paglayo ko wala kong pinagsisisihan,
Buhay ko ngayon ay mas makabuluhan,
Ngayon ko nararamdaman ang tunay na kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...