Yaz feel be like
Matagal ko nang iniisip kung ano ko sa kanya,
Hindi na ko mag-aabang ng text o tawag n'ya,
Mga iniisip n'ya hirap pa rin akong basahin,
Ginawa ko na lahat para s'ya ay intindihin.'Di ko alam kung kulang pa ba o ako'y nasobrahan,
Hindi sa lahat ng bagay kami ay nagkakaintindihan,
Pag-intindi namin ay hindi pala magkapareho,
Sa nakikitang reaksyon, sa harap n'ya gusto kong maglaho.Simpleng sagot lang ang gusto ko mula sa kanya,
Pero tila pag sagot doon ay hirap na hirap pa s'ya,
Ligoy ligoy pa hindi pa n'ya ko diretsuhin,
Hindi pa ba s'ya pagod na ako'y paasahin.Dahil pagod na ko sa panghuhula,
Lalo na kung nakikita kong magkasama sila,
Wala akong sapat na karapatan,
Pero puso ko ay matagal ng nasasaktan.Akala yata n'ya simple lang itong aking nararamdaman,
Ang magpapansin sa kanya ay tumagal ng taon lang naman,
Bakit nga ba ko hindi na natuto?
Lagi na lang nila ko ginaganito.Lagi na lang ako pinapaasa,
Lagi na lang iniiwan mag-isa,
Lagi na lang ako ang nagmamahal,
Lagi na lang naghihintay ng matagal.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...