Chapter 17

594 5 0
                                    

Yaz feel be like

Nakinig ako sa usapan nina Maxwell at Maxpein,
Si Montrell ay gusto nitong kausapin,
Masasabi ko sila lang ang nagkakaintindihan,
Gusto kasi ni Maxpein sa isang dinner ito'y imbitahan.

Maaga pa naman kaya naisipan ko s'yang sunduin,
Kasi sa dinner ako ay inimbitahan na rin,
Kaya naisipan ko na rin na hintayin s'ya,
Babae na raw pala ang sumusundo parinig ni Keziah.

Nagbubulungan na ang nakakarinig sa amin,
Kuwento pa ni Maxwell s'ya ay madalas magpaliwanag sa 'kin,
May pasyente silang masungit ang kuwento n'ya,
Biro ko naman  kung mas masungit pa sa kanya.

Ako ay isinama nila sa isang kuwarto,
Kung saan ang pasyenteng sinasabi nito,
Lahat sila ay sinungitan nga n'ya,
Pero sa akin ay nakangiti s'ya.

Karen ang pangalan ng pasyenteng ito,
Sa kinakain daw nito nagsasawa na 'to,
Mabuti nakinig s'ya sa akin,
Kaya mga doktor na gawa na dapat gawin.

Bumalik daw ako don ang sabi n'ya sa 'kin,
Si Maxwell pumayag nakangiti rin,
Anak raw n'ya ay kanyang ipakikilala,
Single pa raw ba ko ang tanong n'ya bigla.

Nagulat ako sa pagsagot ni Maxwell sa kanya,
At sabihin dito na ako ay girlfriend n'ya,
Nagpumilit ito ipapakilala pa rin ako,
Si Maxwell tinawag akong baby, nakinagulat ko.

Natulala  ako sa kanya,
Kaya ako ay hinila pa n'ya,
Medyo ginabi kami kaya sinita ko ng kapatid ko,
Pati sina Lee at Deib pinagsabihan pa ako.

Kaya naglinis ako ng katawan at nagpalit,
Nagtataka ko sa kuwarto ni Maxwell may mga damit,
'Di ko na s'ya nagawang pang tanungin,
Bumaba na kami sabi ni Maxpein.

Nagulat kami sa ginawa n'ya,
Sa klase ng pananalita n'ya ay lasing s'ya,
Nagkakaroon na ng kaunting gulo roon,
Napagtaasan s'ya ng boses ni Maxwell don.

Pumasok ulit si Maxwell dahil may trabaho pa s'ya,
Natulog akong mag-isa sa kuwarto n'ya.
May humaplos sa aking binti kaya naalimpungatan ako,
Nung una akala ko s'ya  iyon ngunit mali ang akala ko.

Natakot ako, kahit madilim nagawa kong magtago,
Sa loob ng banyo, dinadamba nito ang pinto,
Si Maxwell ay tinatawagan ko 'di s'ya sumasagot,
Nagawa kong tawagan si Maxrill nanginginig ako sa takot.

Mabuti at dumating s'ya, lakas loob n'yang binuksan ang pinto,
Nakipaglaban s'ya sa isang lalaki 'di ko kilala ito,
Tatawagan ko na si Mokz sabi ko sa kanya,
Binato ko sa kamay ng kutsilyo ng kalaban n'ya.

Mabilis na lumapit si Maxrill sa akin,
Papunta sa ospital nagawa n'ya kong buhatin,
Hanggang narinig ko ang boses n'ya,
Si Maxrill ang nagpaliwanag ng nangyari sa kanya.

Sina Raffy at Mitch ay nakatingin sa akin,
Bakas sa mga mata n'ya ang pag-aalala sa 'kin,
Sa sitwasyon na ganito ay napagtanto ko,
Hindi ko s'ya mahihingan ng tulong, sa katotohanang iyon ay nalulungkot ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon