Chapter 21

261 2 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi na ako makapagsalita,
Sobra akong humanga sa aking nakikita,
Si Maxwell ay yumakap sa akin,
Namamangha ako sa tanawin.

Ang tubig sa dagat ay napakalinaw,
Atensyon ko ay naagaw,
Mabuti kaunti lang turista,
Tamang tama raw aming pagbisita.

Iyon ang paliwanag ni Mang Pitong sa amin,
Lumangoy daw kami ni Maxwell, lifevest tinanggihan namin,
Hinubad ko ang crochet cover up at tumambad ang two piece ko,
Si Maxwell ay mabilis na yumakap at binulungan ako.

Gusto n'ya raw ako muling angkinin,
Naalala ko tuloy ang pinagsaluhan namin,
Kaya napuyat kaming dalawa kagabi,
Nakagat ko ang aking labi.

Nagsimula na kaming lumangoy dalawa,
Panay ang aming pag-aasaran at pagtawa,
Ang aking nararamdaman ay 'di ko mapangalanan,
Magkahawak kamay kami habang lumalangoy kung saan.

Banayad ang halik na pinagsaluhan namin,
Magkayakap kaming umangat sa tubig sabi ko aming ulitin,
Naroon na naman ang pang-aasar n'ya,
Kaya sa tagiliran ay pinagpapalo ko s'ya.

Sarili sa akin ay mas inilapit n'ya,
Iniyakap ko ang sarili ko sa kanya,
S'ya raw ay aking pinarurusahan,
Pag dala sa akin don ay gusto raw n'ya pagsisisihan.

Hanggang sa kaming dalawa ay naging seryoso,
Sinabi ko na sa kanya lahat ng saloobin ko,
Tanong n'ya kung kaya ko s'yang maintindihan,
Puno ang pag-asa n'ya na s'ya'y aking mauunawaan.

Ang tanging sagot ko ay mahal ko s'ya,
Lumungkot ang kislap sa mga mata n'ya,
Nag-usap kami ng masinsinan,
Ako ay kanyang pinakinggan.

Sa mga narinig ko mula sa kanya,
Ako ay nakaramdam ng konsensya,
Sa kanya ay nagsorry ako,
Niyakap ko s'ya, 'di mapigilan ang pagluha ko.

Nangako s'ya sa akin na ako'y aalagaan,
Gagawin n'ya raw lahat para sa aking kasiyahan,
Sinulit namin ang oras ng paroo't parito,
Nagpapahuli ako sa kanya para halikan n'ya ko.

Hanggang oras na pala ng tanghalian,
Umaandar na naman kanyang kapilyuhan,
Muli akong humanga sa aming pinuntahan,
Nainis ako ng tingnan s'ya ng mga kababaihan.

Sumakay kami sa inarkila n'yang van,
Naglakad pa kami para makarating sa pupuntahan,
Hindi ko alam na pag-aari pala ni Maxrill 'yon,
At may pag-aari s'yang room doon.

Nang mapatapat kami sa kanyang kuwarto,
Napahanga ako at nasabi na gusto kong tumira rito,
"I'll keep that in mind" ang biglang sabi n'ya,
Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya.

Hinalikan n'ya ko at ako ang nagdulot ng pusok non,
Sa aming dalawa ako ang mas naghahamon,
Sa puntong iyon init muli namin sinimulan,
Walang alinlangan na aming pinagsaluhan.

Saan n'ya iyon natutunan tanong ko sa kanya?
Sa libro ang sagot naman n'ya,
Sa pagligo ay nauna ako,
Humanap s'ya ng masusuot ko.

Sa bayside kami nagpunta,
Sa mga babae ako ay nairita,
Kaya sa kanya tumabi ako,
Sabi ko sa kanya ang suwerte ko.

Kasi raw dahil ba sa guwapo s'ya,
Yung crush ko naging boyfriend ko ang sagot ko sa kanya,
Binanggit n'ya si Dein kaya medyo nainis ako,
Kaya s'ya ay muling pinalilipat ko.

Matagal na rin daw yon nawala,
Ako raw ay naging crush din n'ya naiiba raw ako sa kanila,
Kasi maingay,clingy,feeling close raw ako,
Muling tumalim ang tingin ko.

Natawa s'ya pero seryoso raw s'ya,
'Di pa kami, baby na raw ang tawag ko sa kanya,
Endearment ko sa kanya sagot ko naman,
Tawagin ang iba ng ganon 'wag ko raw subukan.

Sa tuwa ko pinisil ko ang pisngi n'ya,
Tinanong ko kung totoo ba s'ya,
Tinanong n'ya ko na ano?
Na s'ya'y boyfriend ko.

Gusto ko raw ba agad ibahin,
Ang tanong n'ya sa akin,
Kaya natigilan ako,
Kung anu-anong tanong nasa isip ko.

Hindi ko namalayan naubos ko ang pagkain,
Tumayo na ko nang ako'y kanyang yayain,
"Can I meet your parents? bigla ay tanong n'ya,
Nagugulat akong napalingon sa kanya.

"I want you to be my wife" sabi n'ya nakinaawang ng bibig ko,
Hindi maiwasan mangilid ang mga luha at napangiti ako,
Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman,
Napaluha at napangiti sa labis na kasiyahan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon