LWL Chapter 10

10.4K 108 3
                                    

Yaz feel be like

Napakaraming pasyente,
Pero s'ya nananatiling kampante,
Naaawa ako sa aking nakikita,
Panay ang suka ng mga bata.

Si Maxwell ay wala pang pahinga,
Talaga naman s'ya'y kahanga-hanga,
Higit sa animnapu ang pasyente namin,
Ginamot n'ya mga iyon kahit wala s'yang tulog at kain.

Naisipan kong ipagluto s'ya,
Adobo at sinigang ang niluto ko para sa kanya,
Sinamahan ko rin ng mga prutas,
Para makabawi s'ya ng lakas.

Hindi pa natapos ang problema kinabukasan,
Dahil ngayon ay mga matatanda naman,
Ano kaya kanilang kinain,
Na labis na pinagtataka namin.

Nang ayos na ang lahat, pinuntahan ko s'ya,
Dala ang niluto ko kaso nandon pala si Keziah,
Natuwa s'ya sa mga dala ko,
Sa pagkain ay inalok n'ya rin ako.

Lumabas ako at nagtungo sa canteen,
Hanggang si Maxrill ay lumapit sa akin,
Tulad ko umorder din s'ya,
Snack na lang daw ang kinakain n'ya.

Tinatanong n'ya ko kung kami na ng kanyang kuya,
Kaya naman sinagot ko ang tanong n'ya,
Bakit pa raw ako magpapaligaw, kanyang katanungan,
Kung pareho naman daw kami ng nararamdaman.

Kapag daw nanliligaw magandang ugali lang daw ang pinapakita,
Masasabi ko sa mga pananaw hindi na nga s'ya bata,
Maging kami lang daw at araw-araw n'ya ko liligawan,
Hindi na ko mapalagay kays'ya'y aking iniwan.

Si Maxwell tinawagan ako,
Sa opisina n'ya pinapunta ko,
Sa paglapit, ako ay napatigil,
Dahil nandon pala si Maxrill.

Silang dalawa ay nag-uusap,
Kay Maxwell may laging naghahanap,
Pabalik-balik daw ang taong 'yon,
Naalala ni Maxrill, Montrell Venturi ang pangalan non.

Sa aking narinig kinabahan ako,
Hindi kaya nagkataon lang ito,
Sa nangyari may kinalaman kaya s'ya,
Ano kaya ang tunay na balak n'ya?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon