Wala akong pakialam sa iyong nakaraan,
Ang mahalaga sa akin tunay mong nararamdaman,
Na ako ay kasama sa iyong binubuong bukas,
Hanggang ang buhay mo ay tuluyang magwakas.Pag-ibig ko sa 'yo ay walang limitasyon,
Kahit pa buhay ko ang maging kapalit niyon,
Walang sawa kitang uunawain,
Walang limitasyon kitang mamahalin.Pag-ibig ko sa 'yo ay walang hanggan,
Narito ako handa kang pakinggan,
Walang hanggan kitang mamahalin,
Hanggang buhay ko ay kunin.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...