Yaz feel be like
Ngayong araw ay mabait s'ya,
Nag-alok pa na ako'y ihahatid n'ya,
Dala ko kotse ko ang sabi ko naman sa kanya.Hinintay n'ya lang ako makasakay,
Sayang at hindi kami nagkasabay,
Sa susunod na araw may party daw sa kanilang bahay.Sumapit ang araw at hindi nakasama si Naih,
Hindi s'ya puwedeng magpuyat at magagalit ang asawa n'ya,
Naiintindihan ko naman s'ya may pamilya na s'ya.Bumili ako ng alak para sa party nila,
'Di ko inaasahan maraming bisita pala,
Sa inasta ko nahiya ko bigla.Lahat na sila sa akin ay nakatingin.
Lumapit at binati ako ni Maxpein,
Suot kong damit ay kanyang napansin.Pinuri n'ya ang damit na suot ko,
Bilin pa n'ya kay Maxwell na ipakilala ako,
Pati si Maxrill ay nandito.Mga bisita ni Maxwell ay napapatingin sa kanya,
Sa pagsasayaw ako ay niyaya n'ya,
Pinapapasok na s'ya ng kanyang kuya.Iba ang asta ni Maxwell ngayong gabi,
Ayaw ako mawala sa kanyang tabi,
Kakaiba rin kanyang mga sinasabi.Iba s'ya ngayon may pagkaistrikto,
Sa kanyang inaasta ako'y nalilito,
Dahil siguro wala si Keziah dito.Pati sa paglangoy pinagbawalan ako,
Sa isang tabi ay hinila n'ya pa ko.
'Di ko alam kung paniniwalaan ko mga sinasabi nito.Hanggang kami ni Maxrill ang naiwan,
Bukas aalis na sila at pupuntang Palawan,
May tinanong s'ya sa sagot ko tila s'ya'y nasaktan.Bumalik si Maxwell at kami'y nag-inuman,
Sa paglangoy silang dalawa ay naghamunan,
Hanggang silang dalawa ay nagkasagutan.Ayaw pumayag ni Maxwell na ako ang premyo,
Sa kapatid n'ya, ako ay kanyang nilalayo,
Nagtanong pa s'ya ng si Maxrill o ako.Mabuti dumating si Maxpein,
At ang mga ito nagawa n'yang awatin,
Pero si Maxrill ay umaangal pa rin.Kay Maxwell ay nagugulat ako,
Sobrang lasing yata ito,
Dahil nagpapahatid sa akin sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...