Chapter 32

315 5 0
                                    

Yaz feel be like

Si Maxwell mabilis na kinuwelyuhan ito,
Kaya mabilis naman ako lumapit dito,
Si Maxwell ay mabilis na itinulak n'ya,
Masasabi ko na malakas s'ya.

Ano ba ang gusto n'ya tanong ko,
Tumingin lang sa akin ng nakakaloko,
Si Maxwell itinago ko sa likuran n'ya,
Sinabihan ko na mag-ingat s'ya.

Si Maxwell ay sinabihan n'ya,
Na pinaka mahina sa kanilang pamilya,
Ganoon ba kalakas na Hwang na ito,
Para sabihin ang mga bagay na 'to.

Tinanong ni Maxwell kung ano kailangan n'ya,
Lahat ng pag-aari nila ang kailangan nito sa kanya,
Hindi muna raw sa ngayon sabi pa nito,
Tiningnan ako nito ay kinalabutan ako.

Palabas na s'ya ng pintuan,
Si Maxwell mabilis akong kinumutan,
'Di namin akalain na nandon si Maxrill sa pinto,
Mabilis n'yang sinipa ang lalaking 'to.

Pero ang lalaking ito ay hindi man lang natumba,
Pumasok si Maxrill at may hawak itong pana,
Sinabihan n'ya na mahusay daw ito,
Si Maxwell walang kakayahan na ganito.

Sa nasasaksihan ko ay hindi ako makapaniwala,
Ang mamahaling sahig at bintana pa ang iniisip nila,
Dugo raw nito ay ayaw nila doon dumanak,
Sa kama ako ay napaupo at napaiyak.

Nandoon sa labas ng pinto sina Mokz at Maxpein,
Sa dalawa n'yang kapatid masama ang kanyang tingin,
Itong si Hwang ay kinausap nila,
At nagpaalam pa sa kanila.

Si Maxpein ay pinalabas sila sa kuwarto,
Ako ay masinsinang kinausap nito,
Humingi ako ng tawad sa kanya,
At ako ay mahigpit na niyakap n'ya.

Umalis na sila Maxpein,
Iniisip ko ang pinag-usapan namin,
Hindi ako nakatiis sabihin sa kanya,
Sagot ni Maxwell ay naiintindihan n'ya.

Pinaayos ni Maxwell ang penthouse n'ya,
Papasok pa rin ako sabi ko sa kanya,
Pumunta kami ng ospital ng sabay,
Sa pag-uusap nila ni Caleb ako ay naghihintay.

Next week na ko sa OR pakiusap nito,
Dahil sa feeding program ay kailangan ako,
Excited pa naman daw ako doon sabi n'ya,
Kaya naman ay pumayag na rin s'ya.

Sa dalampasigan ay hinatid n'ya ko,
Binilinan pa n'ya si Caleb na ingatan ako,
Sa akin panay pa ang halik n'ya,
Dahil doon ako ay nahihiya.

Ang Balabac ay maipagmamalaking isla,
Sa feeding program kami ay naging abala,
Kay Maxwell ay nagtetext ako,
Ang tipid naman magreply nito.

Baka bukas na ng umaga ang balik namin,
Pati ang dala namin ay paubos na rin,
Kailangan namin tipirin para magkasya,
Sa text ko ay walang reply galing sa kanya.

Nagsimula na kong magpaliwanag sa mga bata,
Tawag ng mga ito sa akin ay "Ate Ganda",
May nagtanong kung ako ay meron ng nobyo,
Ngumiti ako at meron ang sagot ko.

Iyong lalaki raw bang nasa likuran ko,
Mabilis naman napalingon ako,
Nakita ko agad si Maxwell nakangiti sa akin,
Sa kinatatayuan ko lumapit at s'ya ay nagsalita na rin.

Mga bata rito ay kilala pala s'ya,
Maraming pagkain ay dala-dala n'ya,
Masasabi ko na napakasuwerte ko,
Dahil boyfriend ko ang Del Valle na ito.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon