Yaz feel be like
'Di ko akalain na makikita ko s'ya,
Ako raw ay sinusundo n'ya,
Bulaklak na inabot pinabibigay daw ng kanyang kuya.Sa mga pagbuhat ng gamit tinulungan n'ya ko,
Sa kanyang sasakyan ay sumakay na rin ako,
Pareho pala kami ng hilig nito.Nang makarating kami sa aking tutuluyan,
Nagkaroon kami nang seryosong usapan,
Sa pagsasalita n'ya may lungkot akong nahihimigan.Sa ospital kaming dalawa ay nagpunta,
Nagyakap silang magkapatid nang magkita,
Si Maxwell iba na naman ang inaasta.Sa tinutuluyan nila ako'y isinama,
May kaba kong nadarama,
Nakilala ko na rin si Wilma.Natatawa kami kay Maxrill habang kumakain,
Naghahanap s'ya ng ibang pagkain,
Alaga n'ya kasi ay ayaw n'yang kainin.Kinagabihan sa labas kami kumain,
Pati si Keziah ay kasama namin,
Si Maxrill ay lumabas, kalaunan ako ay lumabas din.Sa labas naglakad-lakad muna ako,
Hanggang si Maxrill ay makita ko,
Kinakantahan n'ya ang kanyang aso.Hanggang sa mapatingin s'ya sa gawi ko,
Sa kanya ay tumalikod ako,
Sa kanyang bagong kinanta, ako'y napahinto.Napatingin ulit ako sa aking likuran,
Sa aking pisngi, ako'y kanyang hinalikan,
Tila napako yata ako sa aking kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PuisiAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...