Yaz feel be like
Kailangan pa ba ko lumayo,
Para malaman mo na may halaga ko sa 'yo,
Ikaw nga ba itong lihim na sumusuyo?Pinagmamasdan ko ang bulaklak na 'to,
Sa 'yo nga ba nanggaling mga ito,
Sa pag-iisip kusa na kong huminto.Matagal na buhat nang huli akong nakatanggap,
Ng ganitong bulaklak na nasa aking harap,
Matagal na rin nang 'di tayo nag-usap.Malinaw sa akin na hindi mo ko gusto,
Kaya nga umuwi na lang ako rito,
Subalit napapaisip ako dahil sa padalang ito.Sa bawat paglipas ng mga araw,
Nangangarap na muli kang matatanaw,
Puso ko ikaw pa rin ang isinisigaw.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...