AKO NA LANG

903 20 1
                                    

Yaz feel be like

Magkapareho kami ng hilig,
Malambing din ang kanyang tinig,
Totoo nga yatang s'ya ay umiibig.

Unti-unti na s'yang nagbabago,
Pati na rin ang kanyang pakikitungo,
Nararamdaman ay 'di na rin tinatago.

Ngayon sa mga kapatid bihira na makinig,
Ibang-iba na ang kanyang salita at tindig,
Isa na s'yang binata na kayang magpakilig.

Noon pa man kaming dalawa ay magkasundo,
Kahit na kung minsa'y s'ya rin ay suplado,
Totoo yata nagbabago kapag tinamaan na ni kupido.

Ayokong seryosohin mga pinapakita n'ya,
Sa paningin ko ay parang kapatid ko na s'ya,
Alam naman ng lahat na ang gusto ko ay kanyang kuya.

Hindi ko inaasahan ang aking malalaman,
Ayoko lumalim ang kanyang nararamdaman,
Sana puso n'ya magbago pa ang nilalaman.

Nananatili akong nandito para sa kanya,
Hanggat maari ayoko na masaktan s'ya,
Nararamdaman para sa akin sana ay kalimutan n'ya.

Ayoko sa kanilang dalawa may masaktan,
Ayoko na silang dalawa ay magkasakitan,
Tama na sa akin na ako na lang ang masasaktan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon