Yaz feel be like
Humahakbang ako palapit sa kanya,
Kami ni Rem mag-usap ang sabi n'ya,
Si Rembrandt ay iniinis na naman s'ya,
Sa akin daw ito ay dumistansya.Humakbang s'ya palapit dito,
Malapit na n'ya sapakin ito,
Si Rembrandt nang-iinsulto,
Kakasuhan daw s'ya banta pa nito.Marahil batas ay alam daw n'ya,
Pero maoospital muna raw s'ya,
Naka suporta kanyang buong pamilya,
Sa nangyayari ako ay nahihiya.Si Rembrandt kinausap ko na s'ya,
Ako raw ay mahal pa rin n'ya,
Nagsinungaling daw ako sa kanya,
Pero ako ay kanya nang ipinahiya.Inuna n'ya raw pag-aaral nito,
Naiintindihan ko naman ito,
Palibhasa may bago na raw ako,
Kaya raw s'ya ay itinatapon ko.Humingi ako ng tawad sa kanya,
Alam ko nasaktan ko s'ya,
'Di ko na matutugunan ang nararamdaman n'ya,
Umalis na s'ya, kung sa akin may respeto pa s'ya.Si daddy ang nakiusap na sa kanya,
Alam nito ang nararamdaman n'ya.
Humingi s'ya ng sorry dahil ako ay ipinahiya,
Sa aming bahay ay umalis na s'ya.Umakyat ako at pumasok sa aking kuwarto,
Tumabi ako kay Maxwell at nagkuwento,
Ikinuwento ko ang pagkakamali ko,
Ayaw na n'ya kong tabihan, naiiyak ako.Kinabukasan ginising ako ni Naih,
Umalis na sila ng buo n'yang pamilya,
Sana nagpaalam man lang s'ya,
Nang sumunod ako, tawag ko ay iniiwasan n'ya.Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko,
Lumabas at nagpahangin ako,
Si Maxrill ay tumabi sa akin dito,
Uminom ng can beer ay inalok nito.Ako na ngayon ang kanyang pinapayuhan,
Binuksan n'ya ang halik na aking tinugunan,
Sinagot ko s'ya sa paraan na kanyang maiintindihan,
Wala iyon sa akin, narinig ni Maxwell at ako'y kinabahan.Ano pa raw ba ang dapat na malaman n'ya,
Nasasaktan ko na naman s'ya,
Hindi s'ya sasaktan, pangako ko sa kanya,
Lumuluha s'ya, makita s'yang ganon ay 'di ko kaya.Magpapaliwanag na sana ako at s'ya'y lalapitan
Subalit ako ay bigla na lang n'ya tinalikuran,
Hindi ko na s'ya makita, mata ko ay luhaan,
Nasasaktan dahil s'ya ay nasaktan ko na naman.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...