Yaz feel be like
Sanay na sanay na ko,
Na dinadaanan n'ya lang ako,
Mukha ko ay aking kinakapalan,
Ang magpapansin ay 'di ko tinitigilan.Kahit tila ako'y isa ng desperada,
Ayos lang dahil ako ay maganda,
Pareho naman kaming walang karelasyon,
Kaya lang malihim nga pala ang isang 'yon.Wala ngang permanente sa mundo,
Pinapansin na ko ni suplado,
Ano kaya ang nakain n'ya?
At sa akin biglang bumait s'ya.Akala ko ay panaginip ito,
Pero totoo pala 'to,
Sana ay walang katapusan ang saya,
Sana ay natauhan nga s'ya.S'ya'y isang Del Valle na topakin,
Sana nga s'ya'y masabi kong "akin",
Iniisip n'ya ay hindi ko mahulaan,
Sana nga s'ya na ang lalaking sa akin nakalaan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...