Yaz feel be like
Nawawala ang ngiti sa mga labi,
Kapag naririnig ko ang kanyang sinasabi,
Pilit ko kinakaila ang mga naririnig,
Pilit ko pinapasigla ang sariling tinig.Habang tumatagal ay nagiging bukas na s'ya,
Sinasabi ng diretso ay nararamdaman n'ya,
Hindi ko na kayang pigilan ang kanyang pagbabago,
'Di maikakaila na silang tatlo ay magkakadugo.Sa mga ikinikilos nila ikaw ay mabibigla,
Iyon na yata ang pinakatalento nila,
At itong bunso nilang si Maxrill,
Mukang mahihirapan ako mapatigil.Tinatanong sa sarili kung bakit ako?
Totoo bang gusto n'ya ko,
Mas matanda pa ko sa ate n'ya,
Gusto kong kumbinsihin ang sarili na nagbibiro lang s'ya.Ang daming babae na mas babagay sa kanya,
Baka sa akin ay natutuwa lamang s'ya,
Sana nga s'ya ay agad na huminto,
Dahil kung hindi mahihirapan ako nito.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...