Chapter 20

324 0 0
                                    

Yaz feel be like

Aking labi ay pinakawalan na n'ya,
Nakaramdam ako bigla nang hiya,
Aming relasyon ay kanyang inamin,
Umusbong ang kaba sa aking damdamin.

Baka hindi ako tanggap ng kanyang pamilya,
Unang nag-react walang iba kundi si Naih,
Pamilya ni Maxwell nakatingin sa amin,
Napanatag ako ng ngumiti sila sa akin.

Nakita ko ang reaksyon ng mga kaibigan namin,
Napansin ko ang pagngiti rin sa amin ni Dein,
Inalo naman ni Kim si Keziah,
Si Maxrill wala sa amin ang paningin n'ya.

Binalikan namin ang aking pagpapapansin,
Si Maxwell inaabot ang mga gusto kong kainin,
Hawak n'ya ang aking kamay,
Sa aking upuan s'ya'y nakaakbay.

Patuloy ang aming biruan,
Bilin ni Maxpein, kuya n'ya ay 'wag kong saktan,
Kinausap din ako ni Randall,
Si Deib mabilis na umangal.

Napatigil si Deib nang mapatingin sa asawa,
Sa reaksyon n'ya kami ay natatawa,
May hawak na kutsilyo si Maxpein,
Ang pakiusap n'ya nagawa ko rin sagutin.

Ang nagtanong naman ang kapatid ko,
Paano kung ang masaktan ay ako?
Sabi ni Maxpein ako unang nagustuhan ng kuya n'ya,
Si Dein naman ang tumutol sa kanya.

Bulong ni Maxwell, ako ang mahal n'ya,
Sumagot ako na mahal ko rin s'ya,
Muli n'yang binalingan si Maxpein,
Sa kanyang kapatid s'ya'y nakikinig din.

Marami akong pinagbago dahil sa kanya,
Ibang iba ang relasyon nilang magkapatid sa amin ni Naih,
Sinabi n'ya sa akin ang kanilang pinag-usapan,
Sagot ko ay akin namang naiintindihan.

Natatakot s'yang magkamali iyon ang sabi n'ya,
Baka raw ako ay mawala sa kanya,
Si Maxrill ay nagpaalam na sa amin,
Ako ay binati n'ya rin.

Isa-isa nang umalis mga kaibigan namin,
'Di ko malaman kung ako ay aalis na rin,
Si Maxwell ay hawak pa rin kasi ako,
Magdaday off s'ya na ikinagulat ko.

Sa kanyang magulang nagpaalam s'ya,
Pati mga ito ay 'di alam isasagot sa kanya,
Ayaw n'ya kasi akong pauwiin,
Tanungin daw nito ay si Maxpein.

Mas matanda raw s'ya dito,
Pero may asawa na ito,
Sa usapan nila ako ay naiilang,
Hanggang tawagin ni Maxpein ang magulang.

Ito na ang tinanong nila,
Nakikinig lang ako sa kanila,
Sagot ni Maxpein sa kuwarto ako ng kuya n'ya,
Sa sofa matutulog ang kanyang kuya.

Nang kami na lang naiwan sa penthouse n'ya,
Strict daw parents n'ya, napailing ako sa kanya,
Tinanong ko s'ya, bukas ano susuotin ko,
May mga damit daw doon na bago.

Sa pagligo ay pinauna ko na s'ya,
Matapos bigla akong nag-init dahil sa ayos n'ya,
Mabilis na pumasok na ko sa banyo,
Naligo na ko para mawala ang init ko.

Hindi ko namalayan ang pagpasok n'ya,
Lumabas ako na nakatapi lang ng tuwalya,
Tinanong pa n'ya ko, kung s'ya'y aking tinutukso,
Sa kanya ay nag-maang maangan ako.

Nainis ko nang lumabas s'ya ng kuwarto,
Ngunit nagulat din nang bumukas ulit ang pinto,
Labi ko ay mapusok n'yang hinalikan,
Init ng gabi ay aming muling pinagsaluhan.





Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon