Maxrill feel be like
May pag-asa pa ba,
Na damdamin mo ay mag-iba?
Na ako ay maaring maging higit pa sa kaibigan,
Mga sinasabi ko sana ay iyong pakinggan.Halatang pilit mong nilalakipan,
Upang takot mo ay iyong pagtakpan,
Mga biro mo ay halata ko,
Ayaw mo lang masaktan ako.Gusto mong makipagligawan,
Pero wala s'yang balak na ika'y ligawan,
Kaya sabi ko, ako'y iyo nang sagutin,
Malalaman mo ano ang magiging reaksyon n'ya sa atin.Hindi ako nagbibiro at ako'y seryoso,
Kung alam mo lang ika'y laman ng puso,
Sana'y bigyan mo ko ng pag-asa,
Pangako, hindi kita hahayaang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...