Maxrill feel be like
Sana kahit minsan, ako'y pansinin,
At ako ang unang kausapin,
Sana kahit minsan, ako'y hanapin,
At iyong unang alalahanin.Sana kahit minsan ay seryosohin,
Lahat ng aking sasabihin,
Sana kahit minsan, ako'y unahin,
Nararamdaman masubukang intindihin.Sana kahit minsan iyong pakinggan,
Na gusto kita higit pa sa kaibigan,
Sana kahit minsan, ako'y pagbigyan,
Naramdaman kong ito, ikaw nais pag-alayan.Sana kahit minsan, isip mo'y buksan,
Katotohanan ay huwag takasan,
Sana kahit minsan, seryosohin ika'y nagugustuhan,
At nadarama ko sana 'wag mong pagtakhan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoesíaAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...