Yaz feel be like
Dumating si Maxpein,
Tinanong anong nangyari sa akin,
Nakinig ako sa usapan nila,
Kung sino man daw ay may hinala na sila.Umalis na si Maxwell may duty pa raw ito,
Nang sumara na ang pinto,
Kinausap ako ni Maxpein,
Nagpaliwanag ito sa akin.Importante raw kamay ni Maxwell sa kanila,
'Di ko maiwasan mag-isip at kabahan bigla,
Kinamusta ni Maxpein ang kalagayan ko,
Sa biro n'ya medyo nagulat pa ako.Malapit na raw ang birthday ko,
Ano raw ang gusto kong regalo?
Si Maxwell ang agad ang aking sinagot,
Napatingin ako kay Maxrill na nakasimangot.Basta nagwalk out na lang s'ya,
Kaya sabi ni Maxpein iba raw topak n'ya,
Nagbibinata raw kasi sabi ni Mokz nasa akin nakatingin,
Sa mga biro ni Mokz napipikon na si Maxpein.Napansin ni Maxrill na malungkot ako,
Sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko,
Kelan magiging normal ang relasyon namin ng kuya n'ya,
Lumuluha akong lumingon sa kanya.Nagulat ako nandoon si Maxwell sa pintuan,
Mabilis n'ya kong nilapitan,
Niyakap n'ya ko, kami ay napatigil,
Nang marinig ang pinto lumabas na si Maxrill.Nag-usap kami ni Maxwell, sa kanya ako'y nahihiya,
Tinanong ko kung puwedeng halikan ko s'ya,
Ang tagal ko raw napuwing na s'ya sabi n'ya sa 'kin,
Dahil sa hiya niyaya ko na lang s'ya kumain.S'ya na ang humalik sa akin,
Doon binuhos ang pangungulila namin,
Sina Randall at Lee ang nagpunta kinagabihan,
Biniro ako ni Randall at pinayuhan.Sa penthouse ginanap n'ya ang birthday ko,
Kapatid ko ay binati at inasar ako,
Hanggang dumating na rin si Keziah,
Tahimik pa rin akong naghihintay sa kanya.Nakatingin ako sa mga koleksyon ng mga libro n'ya,
Nasa likuran ko na pala s'ya,
Iyon daw first love n'ya, pangalawa si Maxpein,
Pangatlo si Maxrill at ako ang huli sabi n'ya sa 'kin.Inakay n'ya ko papunta sa may piano,
Hindi ko alam marunong s'yang tumugtog nito,
Ano ang hindi n'ya alam gawin ang tanong ko sa kanya?
Manligaw ang sagot naman n'ya.Nagsimula na s'yang magtipa sa kaharap nitong piano,
Sabi n'ya sa akin ay wala s'yang regalo,
Sabi ko s'ya na ang regalo para sa 'kin,
Ngumiti s'ya, nagawa pa kong biruin.Noong una 'di ko alam ang tinutugtog n'ya,
Naluluha ako nang kumanta na s'ya,
Akmang akma ang kinakanta nito,
Sa tunay nararamdaman ko.Patuloy s'ya sa pagkanta at sa akin nakatingin,
Ang pagluha ko ay patuloy pa rin,
Lumapit na rin aming kaibigan at kanyang pamilya,
Si Randall ang tumugtog, kanyang kamay sa akin ay inalok n'ya.Nagsasayaw na kami kumakanta pa rin s'ya,
Napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya,
Sinasabayan s'ya sa pagkanta ng kaibigan namin,
"Happy Birthday baby", nakangiting bati n'ya sa akin.Hinalikan n'ya ko sa noo, pinaghiwalay ng bahagya ang yakap namin,
Sa tangkad n'ya ay halos nakayuko na s'ya sa akin,
"I love you Yaz", ang madamdaming sabi n'ya,
"I love you too", ang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...