Yaz feel be like
Paulit ulit na pipiliin ko s'ya,
Ang tanong ako rin kaya pipiliin n'ya,
Nagmamahal lang naman ako,
Ngayon ano na gagawin ko?Naluluha ko s'yang tiningnan,
Parang alam ko na kahihinatnan,
Nasasaktan ako sa aking nakikita,
Walang ekspresyon ang kanyang mga mata.Dumating na ba ang tinatakutan ko,
Na baka iwan n'ya rin ako,
Hindi nga naman ako nababagay sa tulad n'ya,
Marami nga naman nagkakagusto sa kanya.Nalaman na nila ang aking itinatago,
Ramdam ko ang pagbabago ng pakikitungo,
Nakakaramdam ako ng matinding hiya,
Sa mismong harap ng kanyang pamilya.Hindi alam kung paano pa ko magsisimula,
Kung sa buhay ko tuluyan s'yang nawala,
Nagmamahal lang naman ako ulit,
Kapalaran ba sa akin ay may galit.Dumating na ba ang araw,
Na sa kanya kailangan ko ng bumitaw,
Dumating na ba ang oras ng pagsuko,
At maiwan na naman ako.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...