Yaz feel be like
Natutunaw ang puso ko,
Sa naririnig ay naiiyak ako,
Kapintasan ko ay tanggap n'ya,
Mas lalong minahal ko s'ya.Palagi s'yang tahimik at seryoso,
Ngayon napatunayan ko na s'ya'y seloso,
Kay Rembrandt s'ya'y naiinis,
Ang sapakin ito ay 'di n'ya natiis.Siguro tadhana na makilala ko s'ya,
Lahat sa akin ay binago n'ya,
S'ya ang dahilan ng pagtitiyaga ko,
Dahilan kaya nakabangon ako.S'ya ang dahilan ng matamis kong ngiti,
S'ya ang dahilan kaya nais kong mapabuti,
S'ya ang dahilan kung bakit sarili ko muling binuo,
S'ya ang dahilan kung bakit tanggap ko na sariling pagkatao.Pagkatao ko nasa iba ay kapuna-puna,
Mga pagkatao ko nasa akin nagpapahina,
Sa kanya hindi ako nakatanggap ng panghuhusga,
Bagkus nakatanggap ako ng pagpapahalaga.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...