Yaz feel be like
Nagkamali ako ng inaakala,
Akala ko may alam sila,
Panay pa ang tanong ko sa kanila,
Parang nausmid ang aking dila.Pumasok sila ng magkasama,
Sa nakikita ko, inis aking nadarama,
Pakiramdam ko tila sumama,
Ang hinala ng iba gusto ko sanang itama.Naiirita ko sa aking mga naririnig,
Mga kaibigan ko silang dalawa ang bukambibig,
At saka nila raw ay kinikilig,
Kaya tumayo ako para uminom ng tubig.'Di ko inaasahan ang gagawin n'ya,
At napansin din iyon ni Keziah,
Tinarayan ko pa s'ya,
S'ya raw ba ay aking ikinahihiya.Tinawag ako ni Keziah,
'Di ko alam na kasunod ko pala s'ya,
Kaming dalawa ay pinagsabihan n'ya,
Ewan ko ba, bakit naiinis ako sa kanya?Si Maxwell sa date ako'y niyaya,
Tinanong ko pa kung seryoso s'ya,
Oo seryoso s'ya akin, ang sagot n'ya,
At sinabihan ako'y susunduin mamaya.'Di pa ko ready nang ako'y puntahan n'ya,
Sa sobrang fresh n'ya, ako ay nahihiya,
Kakaiba talaga taglay n'yang presensiya,
Kaya maraming nagkakagusto sa kanya.Panay ang tingin ko sa paligid namin,
Baka kasi may nakakapansin sa amin,
Gusto n'ya raw na may makapansin,
Sa kanyang kapatid s'ya ay nagseselos din.Nagdinner kami sa yate n'ya,
Sa isla n'ya, s'ya nag-aya,
Marami akong tinanong sa kanya,
Kung bakit hindi n'ya nagustuhan si Keziah.Dahil daw dumating ako,
Parang naging kasalanan ko,
Buong pamilya n'ya ay sa akin boto,
Pati anak pala ni Wilma, sa kanya ay inireto.Naantig ako sa kanyang mga sinabi,
Naglapat ang aming mga labi,
Huwag ko s'yang saktan kanyang sabi,
Naging isa ulit kami ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoesiaAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...