Iginala ko s'ya,
Hindi nakasama sa amin sina Naih,
Sa aking mga mata ay hindi s'ya tumitingin,
Mga tingin ko ay ayaw n'yang salubungin.Kanina pa ko panay ang kuwento sa kanya,
Naglalakad at nagmamasid lang s'ya,
Mga simpleng bagay ay aking napapansin,
Kahit paano s'ya ay nag-aalala pa rin sa akin.Ilang beses kung kinuha ang atensyon n'ya,
Pero ayun tahimik pa rin s'ya,
Lahat sinubukan ko ng gawin,
Nagawa ko na pa nga s'yang akitin.Nauna s'yang natapos sa akin,
Nauna rin s'yang kumain,
Naiinis ako sa kanya,
Natigilan ako ng makatulog na s'ya.Maingat akong tumabi sa kanya,
Napangiti ako payapa ang tulog n'ya,
Nainis ako ng tumunog cellphone ko,
Sinagot ko at tumayo na muna ako.Naiinis kong sinagot si Naih,
Naroon daw si Celeste sabi n'ya,
Bukas ay pumunta raw ako,
Kung makaasta parang totoong kaibigan ko.Tinapos ko ang pakikipag usap sa kanya,
Tumabi ulit ako kay Maxwell nagulat ako nang yakapin n'ya,
Napangiti ako ng isiksik n'ya ang sarili sa akin,
Sa higpit ng yakap n'ya, ako ay gumanti na rin.Hapon na kami nagising, muli ay ipinasyal ko s'ya,
Nagkukuwento na s'ya, proud s'ya sa mga kapatid n'ya,
Si Maxpein lang daw ang successful sa kanilang tatlo,
Wala ng kulang sa kanya ang sagot ko.Ako na lang daw ang kulang sa kanya,
Hindi ko inaasahan ang sinabi n'ya,
Bigla s'yang lumuhod sa harapan ko,
Na mas ikinagulat ko at naluha ako.'Di raw singsing iyon sabi n'ya,
Kahit ano iyon tatanggapin ko sagot ko sa kanya,
Isa iyong kuwintas, nagsusumamo na s'ya ang piliin ko,
Sa nakikita ko sa kanya ay naluluha ako.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
ŞiirAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...