SANA

1K 6 1
                                    

Maxwell feel be like

Sana ay hindi pa ko huli,
Batid ang sarili kong pagkakamali,
Hayaan akong titigan ka kahit sandali,
Sana ay pagbigyan muli.

Sa iba ika'y ngumingiti,
Sa atensyon mo meron na kong kahati,
Noon ako ang hanap mo parati,
Kung maari ko lang ibalik ang dati.

Sana ako'y hayaan magpaliwanag,
Sa pag suyo ay hindi ako papatinag,
Sana sa nais gawin ika'y pumayag,
Nadarama ko malaya ko nang ihahayag.

Sana muling magtiwala,
Sana sa sasabihin ay maniwala,
Nadarama ay hindi na ikakaila.
Sa buhay ko 'di ka kayang mawala.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon