HINDI KO MAIPALIWANAG

201 0 0
                                    

Yaz feel be like

Dati akong bratinella,
Bago ko s'ya nakilala,
Panay ang pagshoshopping ko,
Pati kapatid ko ay 'di kasundo.

Pinuntahan ko noon si Naih,
'Di ako nagpatinag kahit pinapaalis n'ya,
Nang makita s'ya, atensyon ko ay naagaw,
Dahil sa kanya unting unti nagbago aking pananaw.

Hanga ako sa kanilang magkakapatid,
Ibang iba sa samahan ng aming magkapatid,
Lalo akong humahanga sa kanya,
Sa pagpapahalaga n'ya sa mga kapatid n'ya.

Nakikinig s'ya sa mga payo nito,
Kahit s'ya ang mas nakatatanda sa mga ito,
May mga bagay pa kong 'di alam sa kanya,
Pakiramdam ngayon ko lang nakikita ang tunay na s'ya.

Nahihiya ako sa kanya,
Sa mga naririnig ay nakonsensya,
Napagtanto na iniisip ko lang ay sarili ko,
'Di ko napapansin, sakripisyo n'ya makasama lang ako.

Hindi nga pala pareho ang mundo namin,
Masuwerte ako, at kanyang binigyang pansin,
Hinarap ang pangarap at pangamba makasama lang ako,
'Di ko alam anong nagawa, para mahalin n'ya ko ng ganito.

Hindi ko naisip na magbabago pa pala aming sitwasyon,
Na ako lang ang nagmamahal sa amin noon,
Pero ngayon, ako rin ay mahal na rin n'ya,
Hindi ko maipaliwanag ang nadaramang saya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon