Tahimik ang kanilang buhay,
Nang gambalain ng babaeng maingay,
Kanilang mundo ay unti-unting nagkakulay.Noong una sa kanya ito ay balewala,
Kapatid ito ng kaibigan ng kapatid nila,
Namalayan na napapalapit na sa kanila.Simula noon s'ya ay kalaro n'ya,
Kapag abala ang kanyang ate at kuya,
Inaasikaso at pinagluluto pa s'ya.Unti-unti silang nasanay sa presensya nito,
Namalayan na lang lihim silang nagkakagusto,
Samahan nilang magkapatid magkakalamat ba dahil dito?S'ya ang isa sa dahilan ng kanilang pagbabago,
S'ya rin ba ang magiging dahilan para mag-away ang magkadugo,
Ano mananaig sa kanila pag-ibig o sariling kadugo?Puso't damdamin ng mga ito ay kanyang ginambala,
May handa kayang sumuko at magparaya sa kanila,
O parehong Del Valle sa kanyang buhay ay mawawala?
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...