S'ya si Zaimin Yaz Marchessa,
Nagpunta ng Laguna ng mag-isa,
Pinuntahan ang kapatid na 'di kasundo,
'Di nagpatinag kahit pa pagtabuyan ng todo.Kilala s'ya sa kanyang kaartehan,
Babaeng may taglay na kagandahan,
Babaeng malaki ang kumpiyansa sa sarili,
Sa paglipas ng taon nakagawa ng pagkakamali.Pagkakamali na masasaktan ang minamahal,
Minamahal n'ya na hinintay n'ya ng napakatagal,
Lalaking pinapangarap n'ya,
Sa nagawa ngayon ay nakokonsensya.Sa mga mata nito ay 'di na makatingin ng diretso,
Sa nagawang kasalanan nadudurog ang puso,
Pilit kinukumbinsi ang sarili, ito ang mahal n'ya,
Mahal n'ya, na handang ibigay lahat para sa kanya.Hindi mapigilan ang maluha sa tuwing naiisip,
Isiping masasaktan ang minamahal dibdib ay sumisikip,
Kanyang puso at damdamin napupuno ng pangamba,
Ang nangyari rito ay maitatago n'ya ba?
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...