Chapter 12

702 9 0
                                    

Yaz feel be like

Akala ko, makikita ko s'ya sa paggising ko,
Ngunit nagkakamali pala ako,
Kay Wilma, ako ay inihabilin n'ya,
Ang nangyari ay nabanggit n'ya pala kay Keziah.

Sa ospital s'ya ay aking hinanap,
Ni text o tawag mula sa kanya ay wala kong natanggap,
Naging hatid sundo ako ni Maxrill araw-araw,
Samantalang s'ya ay hindi ko man lang natanaw.

Hanggang sa nakita ko na rin s'ya,
Hindi ko inaasahan ang pagbati n'ya,
Nilapitan n'ya ko sa canteen,
Lahat ng nandito ay nakatingin sa amin.

Kumain kami sa labas kanyang anyaya,
Panay ang pagtanggi ko sa kanya,
Pinapaalis ko s'ya, baka ano isipin nila tungkol sa amin,
Kung ano mo ko, iyon ang sagot n'ya sa akin.

Hanggang sa tumigil na rin s'ya sa pag yaya,
Sa sorry at paliwanag n'ya, ako'y nakonsensya,
Sa kanyang pagtayo sa upuan,
Dumating si Maxrill nang hindi ko naramdaman.

Umupo ito sa kaninang inuupuan n'ya,
parang don lang s'ya nakita at binati pa s'ya,
Tinatanong n'ya kung bakit daw ito kakain doon?
Sagot nito, bakit bawal ba 'yon?

Lumayo na s'ya sa amin,
Tahimik kaming kumakain,
Sa aming paglabas ay nandon s'ya,
S'ya na raw maghahatid sa akin mamaya.

Buhok ko ay hindi ko inaasahan na kanyang guguluhin,
Kaya maraming napapatingin sa amin,
Bumalik aking sigla at ako'y sumaya,
Natapos ang shift ko at hinihintay ko na s'ya.

Hinihintay ko ang reply n'ya,
Hanggang sa dumating s'ya,
May emergency operation s'ya sabi n'ya sa akin,
Hindi ko alam sa kanya hindi ako makatingin.

Nagawa ko na lang tumango sa sinabi n'ya,
Pagkatapos ay tumalikod na ko sa kanya,
Lumapit ako kay Maxrill na naghihintay sa akin,
Ilang beses na ba n'ya kong nagawang saluhin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon