Yaz feel be like
Nagdadalawang isip ako,
Kung dadalo ba ko,
Nakakaramdam ako ng hiya,
'Di pa ko handang harapin s'ya.Naupo s'ya sa tapat ko,
Tila gusto ko na lang yumuko,
Katabi n'ya si Keziah,
Binubulungan naman ako ni Naih.Sa kanya hindi ako makatingin ng diretso,
Sa nakikita ko nasasaktan ang aking puso,
Sa Palawan pala ay magkakasama sila,
Nakikinig na lang ako sa usapan nila.Sinita naman ako ng kapatid ko,
Bakit nananahimik daw ako?
Kaya naman sinagot ko na lang s'ya,
Para matapos na ang pagtataka n'ya.Dapat daw ay mag-asawa na s'ya,
Nasaktan ako nang si Keziah ay tingnan n'ya,
Hanggang may kumalabit sa akin,
Kaya naman ako rito ay napatingin.Sa gitna nang kanilang pagkukuwentuhan,
Si Maxrill ay dumating at na kisali sa usapan,
Tumanggi s'ya sa pagkain,
Kaya naman nagawa ko s'yang tanungin.Bahagya s'yang nagulat sa akin,
Hanggang ang atensyon ay napunta sa amin,
Sa pagkuha ng pagkain n'ya, ako'y nagprisinta,
Kaya naman si Maxwell s'ya'y sinita.Si Maxrill ay tumabi sa kinauupuan ko,
Sa kinikilos n'ya ay nagugulat ako,
Tumayo s'ya at nagpaalam saglit sa akin,
Sa cellphone may kakausapin.Performance ni Maxwell ay kinamusta nila,
Kaya sinagot ko naman sila,
Aking sagot ay hindi n'ya nagustuhan,
Kinikilos at pananalita n'ya ay 'di ko maintindihan.Sa pagsasayaw niyaya ko ni Maxrill,
Si Maxwell hindi naman ako pinigil,
Kami ni Maxrill saglit na nag-inuman,
Hanggang ang pagsasayaw ay amin nang sinimulan.Sa gitna ng pagsasayaw nailang ako sa kanya,
Kaya sa may claw machine ako ay kanyang inaya,
Hanggang si Maxwell ay nagsalita sa tabi ko,
Bahagya pa silang nagtalo.Si Maxrill ang unang nagbigay sa akin ng laruan,
Hinawakan n'ya mukha ko kaya ko natigilan,
Tanong ni Maxwell, gusto ko raw ba kapatid n'ya?
"Hindi" ang sagot ko agad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...