Yaz feel be like
Pinipilit ko naman s'yang intindihin,
Kung minsan nawawalan na ko ng sasabihin,
Nakakapansin na ang mga nakakakita sa amin,
Ano nga ba ang tunay na label namin?Kung maari ko lamang s'yang tanungin,
Minsan hindi ko alam ano ko sa kanyang paningin,
Ayoko naman s'yang diretsuhin at guluhin,
Pakiramdam ko hindi n'ya ko sasaluhin.Ang maghintay hindi ba ko magsasawa,
Bakit pakiramdam ko sa huli ako ang kawawa,
Kay Maxrill nagpapasalamat dahil nandiyan s'ya,
Pinaparamdam na ako ulit ay sasaluhin n'ya.Sa akin sarili, gusto ko na rin matawa,
Maghintay sa kanya, 'di ba ko nagsasawa,
Hanggang kelan ko naman kaya makakaya,
Kung hanggang ngayon,'di ko alam kung ano ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...