Yaz feel be like
Hindi ako sumama kay Maxrill,
Sana simula ngayon s'ya ay tumigil,
Humingi ako ng kapatawaran,
Matapos s'ya ay aking tinalikuran.May humawak sa braso ko,
Si Maxwell pala, at niyakap ako,
Panay ang pag sosorry n'ya,
Hanggang marinig ko na naman si Keziah.Hindi n'ya ito pinapansin,
Nasa akin lang kanyang paningin,
Si Maxpein kami ay naabutan,
Kami ay muling pinagsabihan.Natigilan s'ya nang makita ang mga mata ko,
Si Maxwell agad ang kinausap nito,
Umalis na ang mga kasamahan n'ya,
Si Maxrill hinahanap ni Maxpein sa kanya.Hinapit ako ni Maxwell ang beywang ko,
Sa sentido ay hinalikan ako,
Sa mga nakakita ako ay nahihiya,
Niluto ko raw ay kakainin n'ya.Inalalayan n'ya ko sa aking siko,
Sa opisina n'ya ay sinama n'ya ko,
Nag-usap kami ng maayos dalawa,
Nagsisisi ako sa aking nagawa.Bati na kami, inaasar ko s'ya,
Puro si Keziah ang inaatupag n'ya,
Agad s'yang dumipensa sa akin,
Iyon ba raw ay pag tatalunan namin.Kay Keziah daw ba nagseselos ako,
Baka s'ya nagseselos depensa ko,
Nagiging kaugali ko na raw sila,
Ako raw ang "My Own Moon" n'ya.Sinusubuan ko s'ya nang niluto ko
Marami pa raw s'yang trabaho,
Sabi ko tutulungan ko s'ya,
Kung ako ay papayagan n'ya.Baka raw mapagod ako,
Sabi ko 'Di ako mapapagod pa s'ya kasama ko,
Kinabukasan ay nakita ko si Keziah,
Nag-usap kami, pinagsabihan ko s'ya."Puwede na s'yang dumistansya,
Dahil may girlfriend na s'ya",
Iyon ang huling sabi ko,
Sa kanya ay naiinis ako.Sa penthouse ni Maxwell nagpunta ako,
Mahimbing ang tulog n'ya nang maabutan ko,
Kaya pinagluto ko na lang s'ya,
Para makakain s'ya paggising n'ya.Pumasok ako sa kuwarto n'ya,
Naliligo ako, nang sa banyo ay pumasok s'ya,
Mainit na sandali sa banyo ay aming pinagsaluhan,
Pati kapilyuhan n'ya dala hanggang hapagkainan.Kaya naman sa kanya ay gumanti ako,
Pagluluto ko s'ya sa susunod ng aking embutido,
Huwag n'ya ko umpisahan sabi ko sa kanya,
Doon na lang daw ako matulog sa penthouse n'ya.Sa minor case ay tumulong ako,
Sobrang dami naman pala nito,
May mga ibang doktor naman sabi ko sa kanya,
Private hospital daw s'ya, mga mahihirap ay nililibre n'ya.Kaya s'ya na raw humahawak ng case non,
Humanga ako lalo sa kanya dahil don,
Puro at walang limitasyon ang pagmamahal n'ya,
Hindi lang para sa mga kaibigan at kanyang pamilya.Hindi n'ya mabanggit ng maayos ang "embutido",
Natawa ko dahil ang sabi n'ya ay "empudito",
Sa penthouse n'ya ko matutulog sabi ko sa kanya,
Na ikinagulat at kinangiti n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...