Chapter 16

399 4 0
                                    

Yaz feel be like

Sabi ni Mang Pitong si Maxwell ay may bisita,
Natuwa ako ng sila ay aking makita,
Niyakap ko pa nga sila isa-isa,
Bukod kay Deib asawa n'ya raw ay selosa.

Si Naih ay palagi sa akin ay kontrabida,
Masaya kong makita aking pamangkin na maganda,
Hindi raw ako ang kanilang ipinunta,
Napatingin ako kay Maxwell na may kislap ang mga mata.

Pumasok si Maxrill at hindi ako makatingin sa kanya,
Naiilang ako sa kanyang presensya,
Si Maxpein ay binatukan pa s'ya,
Dahil ang tamlay tamlay daw n'ya.

Kumain na raw kami sabi ni Maxrill,
Kaya naman ako ay biglang napatigil,
Kaba sa aking dibdib aybaking pinipigil,
Aking pangamba ay aking sinisikil.

Lahat kami ay naupo na at nagkuwentuhan,
Si Maxrill ay kanilang pinagsasabihan,
Dumating si Keziah at si Maxwell ay tinabihan,
Sa Maxrill ay lumipat sa tabi kong upuan.

Inalok n'ya ko ng inumin,
Abala na si Maxwell kausap sila Keziah at Maxpein,
Hindi na n'ya nililingon at pinapansin,
Magkantahan daw kami, sabi ko si Maxrill ang pakantahin.

Nang kumanta na s'ya, parang gusto kong pagsisisihan,
Sa kanyang pagkanta ako ang kinakabahan,
Alam ko napapansin ng aming mga kaibigan,
Kung paano n'ya ko titigan.

Ang kinanta raw ay dinededicate n'ya raw kanino,
Nilapitan n'ya ko, at hinawakan ang dalawang balikat ko,
Una n'yang sagot sa mga ito ay para sa kanyang aso,
Pagkatapos para raw sa akin iyon, pabulong sabi nito.

Hindi ko inaasahan na ako'y susunduin n'ya,
Matagal n'yang 'di nagawa dahil iniiwasan ko raw kasi sya,
Sunduin daw ako iyon daw utos ng kanyang kuya,
Naghihintay na raw ang iba sa amin kaya sumama na ko sa kanya.

Pagkarating namin sa ospital ay pinagsabihan ako ni Keziah,
Malapit na raw ako malate ang sabi n'ya,
Kung maasta s'ya, ang ospital ay parang sa kanya,
Kung saan ako naka-assign ay nagpaliwanag s'ya.

Sa area ko ay naging abala ako,
Kaya sila ay hindi maasikaso,
Hindi alam ng mga kasamako rito,
Na malapit ako sa mga dumating dito.

Wala si Maxwell kasama si Keziah,
Pinapanood daw ng kanyang pamilya,
Hindi alam ng iba malapit ako sa pamilya n'ya,
Ano magagawa ko 'di nila alam kung ano ko sa kanya.

Tinawag ako ni Mang Pitong sa canteen,
May mga bisita raw sila Maxpein,
Hindi n'ya alam kung paano kausapin,
Nagpapatulong s'ya sa akin.

Nang makita ko sila,
Ako ay tinanguan nila,
Parang sila'y aking nakikilala,
Sila ay nagmula sa North Korea.






Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon