UNTI-UNTI

246 2 0
                                    

Yaz feel be like

Oo nga kami ng dalawa,
Pero sa sarili ko, ako'y naaawa,
Sa sitwasyon namin, 'di mawari kung matatawa,
Marunong naman ako mapagod at magsawa.

Propesyon n'ya ay aking naiintindihan,
Sa dedikasyon n'ya, s'ya'y aking hinahangaan,
Naisipan ko pa nga mag-aral para s'ya'y tulungan,
Pero ngayon tila ako'y unti-unting natatauhan.

Masakit marinig mula sa malalapit sa kanya,
Na umaasa ang lahat na sila na ni Keziah,
Masakit makita ang reaksyon ng kaibigan n'ya,
Na parang napakaimposible na ako'y kanyang nobya.

Matagal ko na s'yang inspirasyon,
Dapat masaya ko at kami ay may relasyon,
Pero iba ang nararamdaman ko sa aming sitwasyon,
Na isa akong malaking balakid sa kanyang minamahal na propesyon.

Kung dati-rati ako'y labis pang nalilito,
Unti-unti ko na rin pa lang napagtatanto,
Na hindi ko deserve ang sitwasyon na 'to,
Ang umasa na ako'y uunahin din n'ya ay dapat ko ng ihinto.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon