Yaz feel be like
Nangangamba sa iisipin nila,
Batid na may sasabihin sila,
Dahil ako raw ay gusto n'ya,
Samantalang malaki agwat ko sa kanya.Marami na rin ang nakakapansin,
Kung maari lang ayokong isipin,
Damdamin n'ya ay ayokong tanggapin,
Pero s'ya ay hindi ko rin kayang tiisin.Sana ay binibiro n'ya lang ako,
Dahil ayoko na s'ya'y masaktan ko,
Sana nga panaginip lang ito,
Mga ipinaramdam n'ya sana ay 'di totoo.Walang masama sa paghanga,
Kaso hindi maiwasan ang mapanghusga,
Alam naman n'ya na may gusto kong iba,
Sa samahan namin 'di ko maiwasan ang mangamba.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...