Yaz feel be like
Hanggang kelan lolokohin ang sarili ko,
Hanggang kelan na ayos lang ako,
Kung minsan tinatanong na rin ang sarili,
Sitwasyon na pinasok ay hindi madali.Minsan sa akin ay malambing s'ya,
'Di ko pa rin mabasa kung ano nasa isip n'ya,
Kinakabahan ako kapag s'ya ay seryoso,
Mga sinasabi n'ya ay nakakalito.'Wag ko raw s'ya mahalin ng sobra,
Sa kapatid n'ya ayaw n'yang nakukumpara,
Pinaka ayaw pa n'ya ang salitang better,
Sa salitang iyon tila s'ya'y sobrang bitter.Hanggang kelan ko kaya matatagalan,
Ang sitwasyon naming 'di ko mapangalanan,
Kelan ko kaya maririnig mula sa kanya,
Na ako rin ay mahal din n'ya.Patuloy pa rin na umaasa,
Napapaisip kapag nag-iisa,
Pareho kaya kami ng nararamdaman,
Dinadalangin na sana ay oo naman.Hanggang kelan ko kayang maghintay,
Kung sa akin pala ay may matiyagang naghihintay,
Matatagalan ko pa kayang hintayin s'ya,
Kung may isang taong mas matiyaga pa kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...