Yaz feel be like
Wala na kong balak balikan,
Ang aking nakaraan,
Ginusto ko na iyong kalimutan,
Dahil labis akong nasaktan.Ngunit heto s'ya,
Ako ay ginugulo n'ya,
Wala na kong nararamdaman sa kanya,
Sa piling ng bagong mahal, ako ay masaya.Napapapikit na ko sa kanyang rebelasyon,
Halo-halo na ang nararamdaman kong emosyon,
Hindi ko na ang alam mangyayari ngayon,
Sa nag-uumpisa pa lamang naming relasyon.Ito na ang araw ng kinatatakutan ko,
Sa akin ba ay agad na s'yang susuko,
Sa kanila ay nahihiya ako,
Tila hindi matutupad aming pangako.Naluluha ko s'yang tinitingnan,
Relasyon namin ano na ang kahihinatnan?
Sa kanya ay marami akong natutunan,
Oras na ba para magsabi ako ng katotohanan?
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits By:Maxinejiji
PoetryAng istorya ito ay isinulat ni Maxinejiji, Love without limits. Ibinalik na n'ya ito muli sa pangalawang pagkakataon.☺ Unang napublished ito noong March 2017 at ibinalik n'ya ngayong March 2019. Dahil sa pagsubaybay ko sa mga istoryang likha n'ya...