"Bakit di mo sinabi sakin na pupunta sya rito?" inis kong sabi kay Irish.
Matapos ang tanghalian ay agad ko ng kinaladkad si Irish dito sa room naming mga boys at nilocked ito.
"Eh, di ko naman alam na invited pala sya? Di sinabi ni Edward sakin" pangangatwiran ni Irish.
"Tssssss" nairap nalang ako at kamot sa aking ulo dahil sa inis.
Bigla namang naguluhan ang itsura ni Irish sa akin.
"Teka nga muna friend, akala ko ba naka-move on kana?" confused na tanong nito sakin.
"Huh? Oo naman ano!" giit ko dito.
"Oh? Yun naman pala eh, bakit di mo pa sya kayang harapin?" taas kilay nitong balik sakin.
What?
"Bakit naman ba? Eh sa ayaw ko syang makita eh!" inis kong depensa sa kanya.
Tumingin naman sakin si Irish naparang di kumbinsido.
Lumapit sya at umupo sa kama kaharap kung saan ako ngayon naka-upo.
"Alam mo friend kung totoong naka-move on kana, di kana dapat ganyan umasta" sabi nito.
Binigyan ko naman sya ng "Seryoso kaba dyan?" look.
"Girl, kung di pa ko nakaka-move on. Malamang sa malamang nag-walk out ako doon at umiyak nalang ako ng mag-isa dito sa kwarto ano!" pagdepensa ko sa kanya.
"Tsssss, yun na nga eh. Di ka nga nag-walk out doon. Pero ano to? Bakit tayo nandito at naiinis ka sakin dahil kasama natin sya dito?" pambabara sakin ni Irish.
"Eh, kase nga di mo sinabi man lang saking nandito sya. Na makakasama natin sya. Sana man lang inorient mo ko diba?" inis ko paring pagdadahilan.
Tumingin naman sakin si Irish ng seryoso.
"Alam mo friend, kesyo pinaalam namin sayo or hindi... Hindi kana dapat ganyan umasta kung totoong "NAKA-MOVE ON KANA" giit na sabi nito at inemphasize pa yung salitang move on. Tsssss.
"Saka ano naman ngayon kung nandito sya? Part parin naman sya ng tropa remember?" dagdag pang reason nito.
"Okay, okay na tsssss" sumusukong sabi ko.
"So, okay kana? Lalabas naba tayo dito? Kase sa pagkaka-alam ko eh, di naman tayo nagpunta rito para lang magkulong sa kwarto at ulanin mo ko ng tanong dahil kasama dito yung "EX MO" sarcastic nyang sabi at inemphasize naman nya yung salitang ex.
Tsssss. Di naman ako sumagot at inirapan ko nalang sya.
"So, tara na? Change outfit naba tayo? Gala raw tayo later paghupa ng matinding sikat ng araw. Pero sa ngayon sulitin muna natin para makapag-picture taking!"
"Ayoko, dito nalang ako sa kwarto" sabi ko rito.
"Hey, naka move on kana remember?" nang iinis na pagpapa-alala nito sakin.
Napa-iling nalang ako dahil sa frustrations.
"Oo na buset!" pagsuko ko sa kakulitan nya.
"Yey! Hintayin ka namin sa may labas ah!" sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Napahingang malalim nalang ako at napahiga sa kama.
Napatingin naman ako sa bag na dala-dala ko. Oo nga pala di ko man lang na-check kung ano ano nga ba yung mga damit na nadala ko rito. Basta ko nalang kasi isinalaksak sa bag yung mga damit na dinampot ko dahil narin sa aligaga at pagmamadali ko kanina.
Kinuha ko yung bag at isa-isang tiningnan yung mga damit na dala-dala ko.
Grabe puro polo pala yung nakuha ko wala man lang t-shirts tssss. May mga shorts at undies din.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.