Love Lies 2U Again - 17

3.2K 106 8
                                    

Halos dalawang linggo na rin akong bahay-restaurant lang ang pinupuntahan. Ayoko munang umalis, gumala or pumunta sa kung ano mang lugar lalo na kung hindi ko naman kailangang kailangan.

Masyado na nga kasing lumiliit ang mundo para sa akin. Ayoko mang magmukhang nagtatago pero kase, as much as possible gusto kong maka-iwas sa mga Marasigan.

Kanina pa tunong ng tunog yung phone ko. Kasalukuyan akong nandidito sa office ko at nagli-liquidate ng recent expenses namin.

Inabot ko narin ang phone ko dahil kanina pa may tawag ng tawag dito at di ko lang makuhang sagutin.

Pansin ko ang contact photo ng tumatawag.

Si Irish? mukhang sa kanya rin galing yung iba pang missed calls kanina pa.

"Oh, Hello bakit ka napatawag?" pagbungad ko rito.

"Hey, bes guess what?!" masiglang sabi nito.

"Huh? Ano yun! Bakit may ano ba?" tanong ko sa kabilang linya.

"Mag-ready kana ng beach ootd's mo dahil magkakaroon tayo ng Tropa Summer Outing!" mataas ang boses nito at talagang nakakabingi.

Nilayo ko naman agad yung phone sa tenga ko. Eto namang babaeng to, nagkaboyfriend na't lahat ganito padin kung umakto. Jusko.

"Huh? Summer outing? Nako friend di ako-" at ayan na naman po sya, bago pako maka-angal ay bigla nalang nya akong sisingitan.

"Hoy! Hoy! Hoy! Di pwede sis. Wala ng atrasan to. Nakapagpa-book na si Edward para sa reservation natin sa isang private beach resort sa Batangas!" sagot nito.

"Woah, di nyo man lang tinanong kung pwede ba ako? Wow huh?" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Errrr! Wag ka nga dyan! Yung lahat ng tropa nag-file na ng leave para sa mga araw na yun tapos ikaw pa tong mag-iinarte? Hoy Timothy! Di ka maganda! Dahil Gwapo ka! tandaan mo yan!" inis nitong sabi sakin.

Natawa naman ako doon sa sinabi nya.

"Baliw! Hello bes! 2 months palang itong Resto ano? Ayokong iwanan nalang basta at magpaka-beach babe para lang sa saglit na bakasyon. Magagalit si Ate kapag nalaman nya yun. Baka mamaya isipin pa nun pinapabayaan ko tong business ko" paliwanag ko sa kanya.

"Alam kong iyang business mo ang idadahilan mo, kung kaya't inunahan na kita bitch! Pinagpa-alam ko na kay Ate Tifanny na sasama ka saming mag-summer outing ng tropa!" sagot nito.

What?! Ano daw!

"At pumayag sya, kaya wala ka ng magagawa kundi sumama sa amin" sabi nito.

"Woah, at sa tingin mo ba dahil lang dun ay papayag narin ako?" panghahamon ko sa kanya.

"Hahaha kung akala mong yan lang ang alas ko, pwes meron pa. May isang event pa naman akong alam. Pwede ko pa namang irecommend ang Gue Varra's para mag-cater doon. Sayang besh, exposure din yun bigatin yung event eh" panunuhol nya sakin.

Wait! bigating event? Irecommend bilang caterer? Gosh, malaking tulong yun para ma-boost ang popularity ng Restaurant namin.

"Ano? Natahimik kana dyan?" tanong nito sakin.

"Wag mo nang balakin umayaw pa bes, saka lately lagi kang tumatanggi saming mag-chill. Like hello? Summer na ano? Sayang naman kung di man lang tayo makakapag-beach lalo na ngayong naka-uwi kana dito!"

"Bes, kailangan mo ring maging loose. Ayan ka na naman eh. Bumabalik ka sa Timothy na sobrang subsob at seryoso sa trabaho three years ago. Pwede ba bes, di forever magiging ganito tayo. Pwede bang magsaya naman tayo? Kaya ka nga umuwi dito diba para makasama kami tapos-" mahabang pangongosensya nya sakin.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon