"Tito, I wanna ask you something" biglang pagsulpot ni Cody mula sa likuran ko.
Nandito kasi kami sa kwarto ko, tinutulungan ko kasi sya sa kanyang project dito sa arts & crafts.
Tumingin naman ako dito habang busy sa paglalagay ng decorations bilang final touch para dito sa clay molding project nya. Image ni Pickachu yung minold namin. Medyo nahirapan din ako dito kaloka.
Eto kasi yung gusto ni Cody, actually balak pa nga nyang si Captain America daw yung gawin ko, kaso baka naman makagraduate nato ng college eh' di ko pa natatapos yun ano? Lol
"Hmmm, what is it?" balik kong tanong sa kanya.
Mas lumapit pa ito at umupo sa kama.
"How's the Philippines Tito?" out the blue nitong tanong.
Napatigil naman ako sa pagpagkakabit ng ilan pang detalye sa itsura ng ginagawa ko.
"Bakit mo naman natanong yan?" balik tanong ko rin sa kanya.
Tumingin ito sakin habang naka-indian sit sa kama. Inilagay nito ang mga palad sa kanyang baba habang nakatukod ang kanyang siko kanyang hita.
"I'm just curious Tito. Actually I really wanna ask you about this way before. Hmmm probably, eversince you come here and lived with us. But Mom told me that I shouldn't ask you anything about it, not until you we're fully recovered" sabi nito.
Nagulat ako sa mga lumabas nasalita mula sa bibig ni Cody.
Ayaw ni Ate na mapag-usapan namin yung about sa naging past ko sa Pilipinas. Naiintindihan ko naman yon.
"Not until I'm fully recovered?" naguguluhan kong sabi mula kay Cody.
"Hmmm yeah, Mom said that. Actually I don't understand it, have you gotten into an accident Tito?" curious nitong tanong.
Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Di ko alam kung paano ko yun ipapaliwanag para sa isang 7yrs. old na bata.
Masyado pang magulo para ikwento ko sa kanya ang lahat. At lalo rin syang maguguluhan kung pati iyon ay iisipin nya pa.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Hmmm yeah, Tito had an accident wayback in the Philippines" pagsisinungaling ko rito.
Mas mabuti narin siguro to. Kesa alamin pa nya yung bagay na kung saan magiging konplikado lang para sa mura nyang isip.
Nanlaki naman ang mga mata nito at agad akong chineck.
"Oh my God! Tito Tim, why you didn't tell me!" gulat na gulat nitong reaksyon.
"Did it hurt so bad? Where did you had any wounds? Where is it? I wanna see if you're okay now!" tarantang sabi nito.
Hinawakan ko naman ang balikat nya at pinakalma sya.
"Easy Cody. Calm down. Tito Tim is now okay. Yeah I was wounded here.." sabay turo ko sa puso ko.
"..but now I'm totally fine and healed. Thanks to you baby. You don't need to worry anymore" seryoso at sincere kong sabi sa bata.
"But, do you actually think that it is now healed? I mean have you visited a doctor to check up on you?" tanong nito sakin.
Nakakatuwa yung concerned nya para sa akin. Nakaka-guilty rin somehow na nagsinungaling ako sa kanya para lang mapagtakpan yung past ko.
"Okay nako, baby promise" sabi ko.
"I'm just concerned for you Tito" sagot nito.
"Awwww, you really love Tito huh?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.