Planado ko na ang lahat. Nakuntyaba ko narin si Irish para sa surprise ko. Since sya lang naman ang mukhang hindi busy kaya sya nalang ang inaya ko.Nagpatulong ako sa kanyang gumawa ng setup sa dating tinitirahan ko.
Nagpaalam narin ako kay Madam Fely na hihiramin ko ang dating unit ko.
Nag-alok ako na bayaran ang magiging paggamit ko pero tumanggi naman ito. Kaya minabuti ko nalang na bigyan sya ng free vouchers sa Gue Varra's kung sakaling gustuhin nilang kumain dito ng libre. Pasasalamat ko narin sa tulong nito.
Gumawa kami ni Irish ng parang tent kung saan may folding bed at mga cushion pillows rin na nagkalat sa loob.
Para syang dreamy, unicorn setup. Si Irish lahat ang may idea nito.
Nagsabit din kami ng led lights sa palibot para mas maging romantic ang feels sa loob ng kwarto.
Gumawa naman ako ng parang sampayan sa ilalalim ng led lights at doon ay naka-clip ang mga old photos namin ni Grecko. Poloroids at ilang printed pictures, lahat iyon ay sinabit ko.
"Ang cute bes!" natutuwang sabi ni Irish.
Napangiti ako.
"Oo nga eh" sagot ko.
Tumikhim naman ito at nagbaling ng tingin sakin.
"Ehem, bayaran mo ko sa expenses at effort ko ah" sabi nito.
Napasimangot naman kaagad ako.
Di ko naman kasi inisip na bibilhin pa pala nya yung mga decorations na pinaglalagay nya dito. I thought magdi-diy lang kami?
Pero infairness, ang ganda ng kinalabasan.
"Oo na, bigay mo nalang sakin yung resibo ng mga nagastos mo" sagot ko rito.
At tinawanan lang ako ng babaeng ito.
"Pwede sagutin mo na rin yung meryenda hehe" sabi nito.
Napailing nalang ako.
Bukas ko pa naman balak surpresahin si Grecko pero mas mabuti nang isetup na namin kaagad ito.
Okay lang naman itong iwan dito. Since wala rin namang nagi-stay rito 'alam kong safe ito at hindi magugulo.
...
Pauwi na ako ng makita ko ang ilang mga sasakyan sa labas ng bahay namin.
Medyo ginabi kami ni Irish dahil nag-aya pa ito sa mall.
May ilang texts rin akong nareceived kay Mommy kung kaya't naisipan narin naming umuwi.
"Bakit andami naman atang sasakyan na nakaparada dito?" nagtataka kong tanong.
Minabuti kong dumiretso na at nagulat ako sa mga taong nakasalubong ko.
"Anong ginagawa nyo rito?" gulat kong tanong.
Ngumiti lang sakin ang mga kaibigan ko habang sila ay nakaupo at nagpapahangin sa may terrace ng bahay.
"Pinapunta kami ni Grecko eh" sagot ni Vincent.
"Huh?" nagtataka kong tanong.
Lumabas ang pinsan kong si Diego.
"Ay, nandito na po pala si Timothy eh!" sigaw nito.
Anong meron? Naguguluhan kong sabi.
"Tara na insan, tara na po naka-ready na yung dinner" pagtawag nito sa mga kaibigan ko.
Taas ang kilay ko't naguguluhan parin sa kung anong meron.
Dumiretso kami sa likod kung saan nandodoon ang mga lamesa at parang buffet table.
![](https://img.wattpad.com/cover/181060990-288-k724762.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.