Nandito ako ngayon sa isang botique shop. Sa susunod na araw na yung Wedding nila Tita Betina at Tito Gregor bilang celebration ng 30th anniversary nila.
Sa totoo lang ayoko na talagang pumunta eh, kung hindi lang ako pinagka-abahalang padalan pa ng imbitasyon. Tapos dagdag mo yung pangungulit sakin ni Irish na hindi ako tinatanan matapos kong sabihing hindi ako aattend.
Ayun, narindi ako sa bunganga nung babaeng yun kaya heto ako, sumuko na. Ayan, nauwi tuloy ako sa paghahanap ng masusuot ko para sa event na yun. Formal daw kasi dapat suotin. At dito nga ako sa botique na ito napadpad.
Isang pink blush tux ang napili ko. Tutal white at pastel colors naman daw ang motif ng kasal, alinsunod sa kagustuhan ni Tita Betina.
Naalala ko pa noon kung paano sya natuwa sa akin ng malaman nyang pareho kami sa taste sa mga kulay. Ganun kasi yung aesthetic na gusto ko noon. I mean, gusto ko parin naman yun kahit ngayon pero kasi ngayon bihira nakong umo-ootd dahil narin sa ibang attite ang hinihingi ng trabaho ko.
Siguro noong mga panahong nasa Canada pa ako at nagmomodelo. Madalas nasusuot ko pa ang mga outfit na gusto ko. Pero kasi ngayon madalang nalang eh.
Kaya nga di ko na dinala dito ang ilan sa mga damit ko. Mas pinili ko nalang yung mga damit na komportableng suotin at angkop sa weather ng Pilipinas.
Siguro kapag nagkatime ako, baka mag-shopping naman ako ng damit panglakad at pang-alis. Para magka-laman naman yung nga bakanteng closet sa kwartong di ko pa nalalagyan ng damit.
"Maganda sya hijo, bagay na bagay sa'yo" Pagpuri sa akin nitong si sir Aleximino designer at owner nitong shop.
"Tamang tama lang ang pagkaka-fit sa'yo. Parang ginawa talaga yan para sa'yo" natatawang sabi nito.
Ako man din ay natutuwa.
Bago lang daw ito sa collection nila. Dapat talaga ay irerent ko lang kaso nga natuwa ako dahil sa pagkakafit nito at magandang pagkakayari kung kaya't binili ko na.
Parang ayoko lang na masuot pa ito ng iba, gusto ko sa akin lang ito.
Well, siguro ganun talaga tayo. Kapag may mga bagay na talagang gusto natin ay nagiging possessive tayo. Kinukuha na kaagad natin para di na maagaw pa ng iba. Na para bang tayo lang ang may karapatan dito. Na para bang dapat sa atin lang ito. Sa atin lang sya.
Teka nga! Bakit parang iba na yung tinutukoy ko? Tsssss.
Well anyway kinuha ko na nga yung tux.
Siguro naman ay di naman masasayang ang pera ko sa pagbili nito.
Paglabas ko ng shop ay saktong tumunog ang phone ko.
"Oh hello? Napatawag ka ata?" tanong ko kay Warren.
"Ba't wala ka dito sa Resto mo? Nasan kaba?" tanong nito.
"May inasikaso lang, teka may kailangan kaba?" tanong kong muli.
"Hmmmm wala naman, actually nandito kami para mag-visit sa'yo at saka para kumain narin" sagot nito.
Wait teka? 'Nandito kami' sabi nya aeh.
"Huh? May kasama ka dyan? Sino sino kayo?" tanong ulit sa kanya.
"Kami lang mga lalaki, nag-aya sila dito eh" sagot ni Warren.
Mga boys daw? Sino ang tropa?
"Kayo ng tropa?" tanong ko ulet.
"Oo, baket? Teka nasan kana ba? Pabalik kana dito?" naiinip na tanong nito.
"Tsss, oo na eto na po. Kakarating lang ng grab ko, eto na pasakay na. Pabalik nako dyan. I'll be there in 12-15 minutes" sagot ko rito.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.