Diko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang may humaplos na mga salita sa puso ko.
May mumunting luha pa ang tumulo sa mata ko.
Agad naman nya itong dinampian ng panyo niya.
"Shhhhh, tahan na oh. Baka isipin ng mga tao rito pinapaiyak kita dyan" pagbibiro nito.
Alam ko ang luhang pumatak na iyon ay hindi na dahil sa na-touch ako sa video presentation para sa magulang nya.
Naluha ako, kundi dahil sa kanya mismo.
Dahil kay Grecko mismo.
Bakit? Bakit kailangan nyang maging ganito?
Bakit parang sa bawat paglapit nya ay unti-unti na namang nahuhukay at mga peklat at hilom ko nang mga sugat ng nakaraan.
Bakit feeling ko sumasakit na naman ang dibdib ko sa twing nandyan sya at nararamdaman ko ang presensya nya.
Alam kong balewala naman na ito at wala lang naman sakin ito. Pero nabo-bother parin ako sa tuwing may sasabihin sya sakin na baka makapag-trigger at makapagpalambot ng puso ko.
Umiwas ako mula sa pagdampi nya ng panyo sa aking mukha at nagsimula ng kumain.
Oo nga pala, dito daw sya kakain at sasabay sa table namin. Katulad ng sinabi nya sa akin kanina.
Tahimik lang sana akong susubo ng pagkain ng mapansin ng mga mata ko ang mga titig ng tropa sa akin.
Tiningnan ko lang sila ng "What?" look at umiling naman sila kung kaya't nagkibit balikat nalang ako sa reaction nila.
Alam kong nakita nila ang ginawa sakin ni Grecko at ang naging pag-iwas ko kanina.
Malamang nag-iisip na naman sila ng kung ano-ano tungkol doon.
Tahimik nalang akong kumain habang na nonood ng mga iba pang ganap na part ng programme dito sa reception nila Tito at Tita.
Tumayo naman sina Tito at Tita para magpakuha ng litrato sa mga bisita sa kani-kanilang lamesa.
Nung matapat na nga sila sa lamesa namin ay agad akong niyakap ni Tita Betina. Tuwang tuwa syang dumalo raw ako. Kung sabagay, mukhang di na nya ako napansin kanina sa loob ng simbahan. Pero okay lang naman dahil alam kong medyo tense din si Tita at sobrang kabado and excited lang siguro para sa wedding anniversary nilang ito.
Matapos nilang mag-ikot ay maya-maya lang ay tinawag si Grecko para sa greetings at message para sa magulang nila kasama ang kuya nyang si Gustav.
Masaya akong magka-akbay pa silang humarap sa magulang nila para magbigay ng mensahe dito.
Nakakatuwang maayos na at magkasundong muli ang samahan ng magkapatid.
Matapos ng pagbibigay nila ng mensahe ay ang iba namang mga relatives at closed friends nila Tita at Tito ang bumati at nagbigay ng mensahe para sa kanila.
Hindi naman na bumalik si Grecko sa pwesto nya dito sa table namin dahil doon na sya umupo sa table kung nasaan si Gustav at ang mga pinsan nila.
"Oh, bakit parang disappointed ka?" bulong ng isip ko.
No Way! Tsssss.
Mas itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga nagbibigay ng mensahe.
Matapos ang greetings at messages ng family at guests ay tumugtog ang mini orchestra ng kanta kung saan ito raw ang favorite song nilang mag-asawa.
Isinayaw naman ni Tito Gregor si Tita Betina.
Natuwa ang lahat doon dahil ang cute ng sayaw nila. Pagkatapos non ay muling tinawag ang dalawang anak nilang lalaki at sila naman ang nag-sayaw sa kanilang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/181060990-288-k724762.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomantikI'll find the way home to your heart. To where my love lies.