Love Lies 2U Again - 29

3.2K 107 3
                                    

Ngayon ko lang naisip na pinagkanulo pala ako ni Irish! Walangyang yon, kay Grecko nya pala kami irerecommend bilang caterer!

But still blessing in disguise parin naman dahil sa mga unexpected deals na nakuha ko. Kahit na medyo nayabangan ako sa offer ni Grecko.

Masyadong malaki yung amount na binigay nya. Kala nya ba ganun ganon nalang magwaldas ng pera? Pero sa huli ay tinanggap ko parin para narin sa mga staff ko.

Dinagdag ko nalang sa salary nila yung additional na nakuha ko para narin magsilbing bonus nila sa magandang performance nila.

Nandito ako ngayon sa usual kong lunga. Ang opisina ko sa Resto.

"Sir Timothy, may tao po sa labas naghahanap daw sa inyo?" pagtawag sa akin ni Ms. Pamela.

"Sino daw?" tanong ko rito.

"Grecko Marasigan daw po" nag-aalangang sabi nito.

Grecko? Si Grecko? Ano namang gagawin nya dito?!

Lumabas ako ng office para makumprima kung ano nga ba talaga ang kailangan nya dito.

Nakaupo lang ito sa isa sa mga tables namin sa may bandang gitna ng resto.

Lumapit ako sa kanya at alam kong naramdaman na nya ang presensya ko, kung kaya't napalingon ito.

"Oh! What did brought you here Mr. Marasigan?" pagbungad ko sa kanya.

Tumingin ito sakin.

"Nice, Restaurant" pagcompliment nya rito.

Ngumiti ako.

"Of course! Magagaling daw kasi yung gumawa at nagdesign nito" proud kong sagot ko sa kanya.

Napa-smirk naman sya.

"Kung ako ang masusunod, sana mas nilakihan pa ito" saad nya.

Grabe, bakas na bakas ko ang kayabangan sa boses nito.

"Well, pasensya kana ah? Tapos na kasi. At wala rin naman kaming balak pang magpa-extend. Mag-open soon ng new branch pwede pa, pero yung magpa-extend? Di nalang, I think we're fine" sarcastic kong sagot dito.

Pansin ko ang pagbabago ng reaksyon nito.

Naging neutral ang face nya. Okay? Nabara ko ata sya.

"So, ano ba talaga ang pakay mo dito?" tanong ko sa kanya.

Medyo hininaan ko na yung boses ko dahil may ilan ng customers ang nakaupo malapit sa amin. Mamaya marinig pa nila akong makipag-usap dito sa lalaking ito, sa hindi kagandahang tono. Madisappoint pa sa amin yun tsssss.

"Birthday kasi ni Mom, balak ulit kita or kayong kunin para sa food" sagot nito.

Birthday??? Huh? Si Tita Betina?

"Hoy, wag kang sinungaling dyan! November pa ang birthday ni Tita!" inis kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman ito. Halatang nangaasar lang.

"Oh, oo nga pala. Teka sa birthday ko nalang. Kukunin ko kayo" muli nyang sagot.

"Sinungaling! October 11 pa yung birthday mo!" mas asar ko pang sagot.

Nagpigil naman sya ng ngiti at kinagat ang labi nya.

Napa-isip naman akong bigla dahil sa nasabi ko. Sinabi ko ba yung birthday nya? Shet.

Parang nangaasar sya saking tumingin.

"Bakit tanda mo pa yung Birthday ko?" tanong nya sakin.

Shet, Timothy! Bakit mo kasi sinabi???

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon