Kita ko na natigilan sya sa bigla kong pagtatanong.Parang nahihirapan sya kung paano ako sasagutin sa tanong kong iyon.
"Kasi.. Ahm" sabi nito.
"Kasi??? Bakit?" tanong ko.
Huminga sya ng malalim at pinilit sagutin ako ng buo.
"Kasi, iyon yung araw kung kailan kami nagkahiwalay nung babaeng minahal ko" diretso nitong sabi.
Napangiti ako sa sinabi nya.
Tama nga si Diego. Yun nga ang dahilan.
Well, at least di sya nagsinungaling sa akin. Kasi, kung pagtatakpan nya pa yung totoong dahilan mas lalo lang sasama ang loob ko sa kanya.
"Mahal mo pa sya ano?" direktang tanong ko rin sa kanya.
Muli na naman itong natigilan dahil sa pagtatanong ko.
"Timothy, di naman sa ganon pero kasi importante pa rin naman sakin yung taong--" pero di ko na sya pinatapos pa.
"Kobe! Isang tanong, isang sagot! Ginamit mo lang ba ako para makalimot kahit papaano dun sa Ex mo?" diretsahan ko ng pagtatanong.
Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa dahil iyon naman talaga ang bagay na kanina ko pa kinikimkim.
Ang malaman ang kung ginamit lang ba ako ni Kobe or hindi.
"Hindi" sagot nito.
"Timothy! Maniwala ka! Lahat ng naramdaman ko sa'yo. Totoo lahat yun. Gusto kita sa kung ano ka. Di mo kailangang mag-doubt don' dahil naging totoo ako sa lahat ng oras na magkasama tayo" sabi nito.
Di naman ako umimik at nanatiling tikom ang bibig ko sa mga sinasabi nito.
"Timothy, di kita ginamit at wala akong balak gamitin ka. Oo, naglasing ako para makalimot nung gabing yun. Pero para lang mag-let go na sa taong dati kong minahal" sagot nya sakin.
"Pinalaya ko narin sya nung mismong gabing yun. Iyon naman kasi ang dapat ko ng matagal na ginawa eh!" dugtong pa nito.
"Pero Timothy, isa rin sa bagay na gusto kong sabihin sa'yo kaya ako pumunta rito ay dahil gusto kong ipaalam sa'yo na..."
Tumingin ito sa langit at muling nagsalita.
"Ihihinto ko na ang pangliligaw sa'yo. Maglelet go narin ako pati sa'yo" sabi nito.
Huh? Bakit?
Bakas sa mukha ko ang pagtataka.
"Bakit? Dahil ba narealize mong straight guy ka talaga?" sarcastic kong sabi.
Di ko alam pero bakit naging bitter ako sa way nang pagtatanong ko nun.
Umiling ito.
"Hindi, titigil nako sa panliligaw sa'yo dahil may taong mas deserving na makuha ka" sagot nito sakin.
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nya roon.
"Yung lalaking dumating nung gabi yun? Sya yung Exboyfriend mo na sobra mong minahal diba?" tanong nito sakin.
Di ako sumagot at tumingin lang ako sa kanya.
"Timothy, alam ko mahal ka pa nya. Di naman nya ako kukwelyuhan ng ganon kung di ko sya napikon. I'm sure natapakan ko ang ego nya nung gabing yun. At dahil yun sa 'mahal ka parin nito" pagpapatuloy nito.
"Timothy, piliin mo sya. Alam kong sa kanya ka sasaya" seryosong sabi nito.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomanceI'll find the way home to your heart. To where my love lies.