Sabado ngayon, day 3 ng pag-stay namin dito sa Resort. Bukas ay nakatakda na kaming umuwi.
Sa totoo lang di ko alam kung paano ko pa natatagalan ang mag-stay dito.
Dalawang gabi ko na syang nakakasama sa kwarto.
Kagabi, kung hindi ko pa pinilit si Luke ay hindi nya ako tatabihan. Wala na kasi syang nagawa dahil kay Ryle nako nagpaalam.
Ayoko naman kay Warren tumabi dahil nako! Baka kung anong kalokohan na naman ang maisip nun.
Ang kulit nga ni Grecko eh. Ayaw nyang humiga sa kama kung hindi raw nya ako katabi?
Like What the fvck?
Ang childish nya ah?!
Bakit nya ba pinipilit na magtabi kaming matulog?
Ano bang gusto nya? Sa sobrang inis ko kagabi ay dinedma ko lang sya. Pinabayaan ko syang matulog sa sahig. Bahala sya sa buhay nya, malaki naman na sya eh.
Katatapos lang ng breakfast namin at nandito na kami ngayon sa Cafe ng Resort at kumakain ng dessert.
Sinamantala ko narin ito dahil may free wifi dito. Nagcheck ako ng ilang emails at online messages. Tumawag at nagcheck narin ako sa Resto, kung ano naba ang nangyayari doon.
Maganda naman daw ang takbo ng sales namin. Palagi naman daw may customers at mas pinagbubutihan daw ng mga employees namin ang pagtatrabaho. Which is maganda naman at nakakatuwa. Masaya akong malaman na they're doing well kahit na wala pa ako doon.
May nakwento pa nga si Ms. Pamela na may mga grupo raw ng tao na consistent na kumakain sa Resto. Di naman daw nya natatanong pero base sa mga itsura non ay mukhang empleyado rin sa isang office.
Nakakatuwang magkaroon ng mga suking customers. Sino ba namang di matutuwa gayong baguhan palang kami dito sa Pinas.
Gusto ko tuloy ma-meet yung mga grupo ng tao na madalas daw kumain sa amin.
Nagulat naman ako ng biglang tumawag sa messenger yung account ni Ate.
Sinagot ko rin naman kaagad dahil baka may importante itong sasabihin.
"Hello?" pagbungad ko rito.
"Tito!" masayang bati ng batang nasa kabilang linya.
"Oh, Baby!" masaya kong bati rito.
Pansin ko naman ang ilang mga kaibigan kong napatingin sa akin.
Nahiya ako kung kaya't tumayo ako sandali at lumayo sa kanila.
Mabuti nalang at malakas ang wifi connection dito sa Resort.
"Tito! I got the highest scores on my exams!" masiglang sabi nito.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Matalino talaga tong batang to hehe.
"That's good! So you really did it because you wanna be here huh?" nang-aasar kong sabi sa kanya.
"No! Tito, I mean somehow? But my main reason is to see you again. I really missed you Tito" malambing na sabi nito.
Awwwww ang sweet ng pamangkin ko.
"Awwww baby, I badly missed you too, can't wait to finally see you again baby" malambing kong sabi.
Saglit pa kaming nag-usap at pinakinggan ko ang mga kwento nya.
"Oh sya sige baby, parang nadidinig ko si Ate Minda tinatawag ka. Usap nalang ulit tayo soon. Bye. I Love you. Muah" pagpapaalam ko dito.
Pabalik na sana ako sa table namin ng magulat ako at may tao pala dito sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]
RomansaI'll find the way home to your heart. To where my love lies.