Love Lies 2U Again - 38

2.7K 99 0
                                    

Kakatapos lang namin mag-usap nila Ate. Nagkamustahan lang kami at nagtanong sya tungkol sa pamamalakad ko sa business.

Nagkwento narin ako ng ilang kaganapan at natutuwa akong supportive naman si Ate sa mga ginagawa ko.

Nag-share narin syang simula na raw ang end of school year vacation ni Cody kung kaya't tuwang tuwa at panay na raw ang pangungulit sa kanya tungkol sa nalalapit nitong pag-uwi dito sa Pilipinas.

Sinabi ko naman na bumili na sya ng plane ticket at ako na ang bahala sa lahat.

Tutal nagpromise ako sa pamangkin ko kung kaya't dapat lang na tuparin ko iyon. Naayos narin naman nila ang mga kakailanganin ni Cody for this travel kaya dapat ay kumuha na sila ng sched at magpabook para sa flight.

Bumaba na ako mula sa kwarto ko para sumabay kila Tita at sa mga pinsan kong kumain ng hapunan.

Pansin kong kulang kami sa hapag kainan.

"Tita, wala pa po si Diego?" tanong ko kay Tita.

"Oo nga eh. Nagpaalam naman sakin yun. Kakain lang daw sila sa labas nung mga barkada nya. Successful kase yung thesis defense nila kanina kaya magce-celebrate lang daw sila" paliwanag ni Tita.

Ah, kaya naman pala.

Good to hear na tapos na ang kalbaryo nila sa Thesis nila. Konting revisions nalang yun bago ipa-bookbind pagkatapos ay tapos na. Grad waiting nalang sila.

Matapos ang hapunan ay saglit akong nanood ng TV.

Maganda kasi yung palabas. Kaya sumalo muna ako sa panonood  kila Tita at mga pinsan ko sa living room.

"Anong oras na Ma, bakit wala pa si Diego huh?" tanong ni Kuya David.

Napatingin naman kami sa orasan nila at pansin kong 10pm narin ng gabi.

"Oo nga ano? Nasan na kaya yung batang yun? I-text mo na nga Derrick ang kuya Diego mo't sabihin mo na wag nang masyadong mag-pagabi" utos ni Tita.

Tumango naman si Derrick at agad na nagtype sa phone nya para itext ang kuya Diego nito.

Masyado naman atang malalim sa gabi yung pagkain nila lalo na't kung sa isang Resto lang yun.

Feeling ko, umiinom sila ngayon. Knowing na kasama dun si Kobe? I'm sure sa bar or inuman place ang punta nila. Ang boring naman sigurong magcelebrate kung walang alak or beer man lang? Lalo pa't puro mga lalaki sila?

Loko talaga tong si Diego, di na lang diretsuhin tong si Tita Daisy sa pagpapaalam nya. May nalalaman pang 'kakain lang daw sa labas' nag-aalala na tuloy yung nanay nya dito. Tssss.

Matapos ang palabas ay nagpa-alam nako kila Tita na aakayat na sa aking kwarto.

Ginawa ko na ang mga usual skin care night routine ko bago matulog.

Syempre naman, di na nga nakakapag-workout lately eh. Kaya di ko naman papabayaan ang mukha at balat ko kahit papaano. Hehe.

Agad rin naman akong nakatulog sa paghiga ko sa aking kama.

Advantage ng pagod, masandal or mahiga lang sa kama tulog agad. Lol.

...

Nagising ako sa sunod sunod na pagtunog mula sa phone ko.

Sinubukan kong imulat ang mata ko. Pansin kong madilim pa sa labas, wala akong matandaan na nagset ako ng ganitong kaaga na alarm sa phone ko.

Tiningnan ko kung bakit panay tunog ng phone ko.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon